تسجيل الدخول"Mga tauhan." Malamig na tawag ni Luxer. "Iwan n'yo muna kami." "Yes, Señorito." Agad na yumuko ang mga bodyguard bago sabay-sabay na lumayo. Pagkatapos ay ibinaling ni Luxer ang tingin sa yaya ni Yannah. Isang simpleng tango lamang ang ibinigay niya bilang hudyat. Naunawaan agad iyon ng matandang yaya. "Seniorita..." nag-aalalang sambit nito. "Hintayin na lang kita roon sa may veranda." Nag-aalinlangan man, tuluyan na rin itong naglakad palayo. Ilang segundo lamang ang lumipas... Tanging sina Luxer at Yannah na lamang ang naiwan sa gitna ng malawak na hardin. Tahimik na humarap si Luxer sa dalagita. "Sige, Miss Villareal," kalmado ngunit seryosong saad niya. "Sabihin mo ang lahat ng gusto mong sabihin.” Ang gwapo pala niya... At ang astig ng dating. Pero kahit gano'n... wala pa rin akong balak magpakasal sa kanya! Mahigpit na ikinrus ni Yannah ang kanyang mga braso bago buong tapang na tumingin kay Luxer. "Okay, Mr. Payatot." Bahagyang tumaas ang kilay ng binata.
Three Years Ago… Tatlong Taon ang Nakalipas… "Yannah! Bilisan mo! Hinihintay ka na nila sa mansion!" Napalingon si Yannah Villareal sa kanyang yaya habang nagmamadaling bumaba ng hagdan. "Yaya, bakit po ba kailangan kong pumunta roon? Hindi ko naman kilala ang pamilyang Delgado." Napabuntong-hininga ang kanyang yaya. "May mahalagang pag-uusapan ang dalawang pamilya. Sumunod ka na lang Señiorita." Bahagyang kumunot ang noo ni Yannah. Simula pagkabata, naririnig na niya ang apelyidong Delgado. Ngunit ni minsan ay hindi niya naisip na darating ang araw na magiging bahagi siya ng pamilyang iyon. Pagdating nila sa Delgado Mansion... Huminto ang sasakyan sa harap ng napakalaking gate. Unti-unting bumukas ang bakal na pintuan. At sa unang pagkakataon... Nasilayan ni Yannah ang lalaking tuluyang babago sa takbo ng kanyang buhay. Isang matangkad na binata ang nakatayo sa harap ng fountain. Nakadamit ng itim na suit. Tahimik. Malamig ang ekspresyon. At tila walang interes sa l
Pak! Nanigas si Yannah Villareal matapos lumapat ang isang malakas na sampal sa kanyang pisngi. Unti unting umangat ang kanyang tingin sa babaeng nasa harapan niya. "Carissa..." mahina niyang usal. Hindi niya maintindihan kung bakit ang matalik niyang kaibigan ang siyang nakatayo sa harap niya, puno ng galit at panghahamak. Humalakhak si Carissa bago may inilabas na isang dokumento mula sa kanyang bag. "Akala mo ba tunay kang asawa ni Luxer Delgado?" mapanuyang tanong nito. Napakurap si Yannah. "Ano'ng ibig mong sabihin?" Isinampal ni Carissa ang dokumento sa kanyang dibdib. "Basahin mo." Nanginginig ang mga kamay ni Yannah habang dahan dahan niyang binuklat ang papel. Ngunit bago pa man niya matapos ang unang pahina... Isang pangungusap ang tuluyang dumurog sa kanyang puso. "This marriage is contractual and shall only fulfill the ancestral agreement between the Villareal and Delgado families." Parang huminto ang mundo. Unti unting umiling si Yannah. "Hindi... hindi
SYPNOSIS The Fiancé of Yannah Villareal: Fake Wife Isang kasunduang ginawa ng kanilang mga ninuno ang naging dahilan kung bakit napilitang pakasalan ni Yannah Villareal ang lalaking halos hindi niya kilala, si Luxer Delgado. Buong akala ni Yannah, isa siyang masuwerteng babae. Akala niya, legal at totoo ang kasal nila. Akala niya, unti unting mamumuo ang pag-ibig sa pagitan nila. Ngunit isang araw, gumuho ang mundong matagal niyang binuo. Sa harap ng maraming tao, walang awang isinampal sa kanya ng kanyang matalik na kaibigan na si Carissa ang isang katotohanang hindi niya kailanman inasahan. "Fake wife ka lang, Yannah. Ang kasal n'yo ni Luxer ay kasunduan lang. At ang babaeng tunay na mahal niya... ako." Sa isang iglap, naging kasinungalingan ang lahat ng pinaniwalaan niya. Ang lalaking tinawag niyang asawa ay may mga lihim. Ang best friend na itinuring niyang kapatid ang unang sumaksak sa kanyang puso. Hanggang saan lalaban si Yannah para sa isang lalaking maaaring hin
Makalipas ang Sampung Taon... Mabilis lumipas ang panahon. Sampung taon na ang nakaraan mula nang lisanin nina Vera at Yannah ang Pilipinas upang magsimula ng panibagong buhay sa ibang bansa. Isang desisyong ginawa ni Brooklyn upang mailayo ang kanyang anak sa mga sakit, kaguluhan, at mapapait na alaalang iniwan ng nakaraan. Habang lumalaki si Yannah sa ilalim ng mapag-arugang pag-aaruga ni Vera, nanatili naman si Brooklyn sa Villareal Mansion upang pamahalaan ang kanilang mga negosyo at pangalagaan ang lahat ng iniwang responsibilidad ng kanilang pamilya. Sa kabila ng layo ng isa't isa, hindi kailanman nawala ang pagmamahalan nilang mag-ina. At ngayon... Sa wakas ay dumating na ang araw ng kanilang muling pagkikita. Araw ng kaarawan ni Brooklyn. "Yannah... my princess, birthday ng Daddy mo ngayon. Kailangan nating makarating sa celebration. Sigurado akong sabik na sabik na siyang makita ka," malambing na saad ni Vera habang inaayos ang buhok ng dalagita. Labinlimang
Lumipas ang ilang sandali. Patuloy pa ring bumubuhos ang malakas na ulan habang isa-isang nagsipasok sa loob ng mansion ang mga bodyguard upang bigyan ng pribadong sandali ang mag-asawa. Sa gitna ng rumaragasang ulan sa rooftop... Tahimik lamang silang nakatayo. Unti-unting inaanod ng ulan ang lahat ng galit, takot, at sakit na ilang sandali pa lamang ang nakararaan ay halos sumira sa kanilang pamilya. Ngunit hindi na nagtagal pa si Vera sa ulan. Tahimik siyang tumalikod at nagsimulang maglakad papasok ng mansion. Bagama't wala siyang sinasabi... Halata pa rin sa kanyang mga hakbang at malamig na katahimikan ang tampong pilit niyang itinatago. Napansin iyon ni Brooklyn. Hindi siya nag-atubiling sundan ang kanyang asawa. "Vera..." Mahina ngunit puno ng pag-aalalang tawag niya. Hindi man lang siya nilingon ng asawa. "Honey..." Muli niyang sambit. Ngunit sa halip na huminto, mas lalo pang binilisan ni Vera ang kanyang paglalakad. "Misis... wait for me!"
V E R A : P O V Ito ang unang araw ko sa trabaho… kaya kailangan kong kumilos nang maayos. “Mas maganda kung kay Don Brooklyn ka muna magsisimulang maglinis,” bilin ni Marie bago ito umalis papuntang palengke. “Kailangan malinis lagi ang silid ng mga amo.” Tumango naman ako. Alas kuwatro pa lang
C H A P T E R -O N EV E R A : P O V“Argh! Aaah… faster, Draven… faster…”Iyon ang unang bumungad sa akin pagkatungtong ko pa lang sa inuupahan naming bahay ng nobyo ko.Kakagaling ko lang kasi sa center para magpacheck-up, at doon ko nalaman ang pinakamagandang balita na matagal kong hinihintay—b
V E R A : P O V “Ma’am, dito po tayo,” magalang na tawag sa akin ng isang staff habang itinuro ang hanay ng mamahaling damit sa loob ng boutique. “Mamili na po kayo ng damit na gusto ninyong isuot.” Napakurap ako at agad napalingon kay Sir Brooklyn. “Pero… Sir,” mahina kong saad habang kinakabah
V E R A : P O V “Hoy Vera, huwag ka nang patayo-tayo riyan. Sumunod kayo sa akin ni Yannah. Ayaw kasi nila ng bata rito kaya bilisan mo, baka makita pa tayo ni Don Brooklyn,” bulong ni Marie sa akin. Kaya agad kaming naglakad patungo kung saan man niya kami dadalhin. Siguro sa silid ng mga katulon







