"He's also here…" dinig kong sarkastikong bulong ni Ymilio, na kay Jace na rin ang kaniyang tingin. Naningkit ang mata kong nakatanaw sa kumag nang tanggalin niya ang kaniyang shade, sunod ay naglakad patungo sa gawi namin. Ganoon pa rin, akala mo ay kung sinong kumakaway-kaway sa mga babaeng nakatingin sa kaniya. "Missed me, Princess?" masiglang bati ni Jace pagkahinto niya mismo sa harap namin. Diretsong nilahad niya sa akin ang dala niyang bulalak, hindi inalintana ang masamang tingin na ipinupukol sa kaniya ng kaniyang pinsan. "Sorry kung natagalan, ah? May mga asungot kasing humaharang sa daan ko nitong mga nakaraang araw.""Jace, nauna ako rito," parang batang sabat bigla ni Ymilio na ikinagulat ko, tumayo pa siya para harangan ang espasyo sa pagitan namin ni Jace."Nauna? May attendance pala dito, Bro? Ang alam ko, pareho tayong nagpaalam na pormal na manliligaw," pilyong sagot ni Jace. "Ika, itapon mo ‘yang flower niya. Mas bagay sa'yo ‘tong akin."Ang dala ni Ymilio ay rose
閱讀更多