"Kung gusto mo... tayo na lang ang magbakasyon sa sembreak," panukala niya sa malambing pa ring boses. "Isasama natin si Chelsea. Para... para maging malapit na rin kayo sa isa't isa."Medyo hilaw akong napangiti doon, saglit siyang binalingan mula sa likuran ko. “Hindi ba 'yun nakakailang? Ang dating kasi... parang nireremind mong magkapatid talaga tayo—”"Oh please, don't remind me of that part," mariing putol niya sa sasabihin ko, hinawakan niya ako sa magkabilang balikat, sunod ay sa magkabilang pisngi ko ulit. "We're sinners, Ika... and let's keep it that way."Napatitig ako sa kaniya, napalunok sa bigat ng binitawan niyang salita. "Sige..." pagsuko ko, umiwas ng tingin. "Hindi naman talaga ako sasama kay Jace.""Really?” himig ko ang matinding tuwa sa boses niya. Tumango naman ako bilang sagot pero hindi na ako umimik. Nanatili ang kaniyang ngiti sa labi. Muntik na akong mapatili nang hapitin niya ako sa baywang. Kasunod n'un ay isang malalim, mas matagal, at puno ng pasasalama
Read more