Pumasok ako sa kwarto ko at marahas na isinarado ang pinto. Ngunit bago pa man ako makahakbang patungo sa kama upang ihagis ang bag ko, napatigil ako nang makita ang pamilyar na pigura na prenteng nakaupo sa aking study table, umiikot-ikot ang hawak na ballpen sa mga daliri. Si Jace."Saan galing ang matino kong fiancée?" salubong niyang tanong, tinaasan pa ako ng isang kilay."Wala ako sa mood kaya huwag mo 'kong simulan, Jace,” tamad kong tugon at inikutan siya ng mata."Sabi ko nga, seryoso ang bebe ko ngayon,” pagsuko niya saka siya tumayo at sinalubong ako. "Hinanap kita sa buong campus pagkatapos ng huling subject mo, alam mo ba 'yun? Akala ko kung napano ka na, saan ka ba nagpunta?" "Sumakit ang ulo ko kaya sumakay agad ako ng taxi," palusot ko. "Kung magtatanong ka pa, lumayas ka na sa kwarto ko dahil maliligo pa ako.""Oo na, galit agad, e," napakamot na lang siya sa kaniyang ulo. "Basta ako maghahanda ng dinner mo, ah? Kung balak mong matulog agad, huwag muna."Hindi ko na
Magbasa pa