"Hi, Love," nakangiti kong kaway kay Ethan. Katulad ng nakasanayan ko, tipid lang niya akong nginitian bilang pagbati sa akin. Lumapit ako sa kaniya saka ko siya pinatakan ng halik sa pisngi."Date tayo," maiksi niyang anyaya. Sinimangutan ko siya saka ko sinenyas ang aking kasuotan. At dahil siya na naman ang nakasanayan kong Ethan na jowa ko, hindi niya nakuha ang punto ko. "Simple lang ang suot ko," nakasimangot kong paliwanag. “That’s okay. It’ll suit you later on,” he smirked.Mas nakaramdam ako ng kaba sa halip na kiligin sa biglaan niyang banat. I just find it new. Magkamatayan muna bago niya ako purihin ng gano'n. Anong nangyari ngayon?"Thank you," tanging nasabi ko na lang na may nag-aalangan kong ngiti. Tinanguan niya lang ako bago siya pumwesto sa pintuan ng shotgun seat. Nakaramdam ako ng pagtataka nang kusa niya akong pagbuksan ng pintuan. "Ano bang nakain mo?" takang tanong ko sa kaniya bago ako pumasok sa loob na hindi hinintay ang sagot niya. Magkasalubong ang
Mehr lesen