Muli siyang yumuko at humakbang palapit lalo sa akin. Inangat niya ang kaniyang ulo saka ako hinawakan sa magkabilang balikat."Hanggang ngayon, Jinah, pinanghahawakan ko pa rin ang naging pangako mo saakin," namumungay niyang matang nakatingin saakin. "Hanggang ngayon, nandito pa ako sa mundo mo dahil sa 'yo. Hindi ako nagtanim ng sama ng loob dahil sa pangakong binitawan mo sa akin," inangat niya ang kaniyang kamay saka ito sinakop ang magkabila kong pisngi. "Ang tagal kitang hinintay. Dumaan man ang libu-libong taon, nagpatuloy akong kumapit sa pangako mo," pagpapatuloy niya sa kaniyang sinabi. "Ano bang sinasabi mo?" mabilis kong hawi sa nakahawak niyang kamay sa pisngi ko. "Anong pangako?" kunot-noo kong tanong.Saglit siyang nagulat sa aking inakto, subalit ipinagwalang-bahala din niya ito kalaunan. Naikuyom ko ang aking kamao nang sunod na nangyari ay may luhang kumawala galing sa kaniyang mata. Pasimple kong dinistansya ang katawan ko sa kaniya nang makita ko ang lubos na
Leer más