Ipinakilala ako ni Lance sa nadaanan naming empleyado niya. Lalaki ito at mukhang kaedad lang namin.“This is Charlita. She will be working closely with me starting today.”The boy smiled at me. “Welcome, Madame.”Ngumiti ako kahit halata ang pagiging peke nito. “Thank you. Please take care of me.”Take care, my a$s! Baka kayo pa ang dapat mag-ingat sa akin.Nagpatuloy ulit kami sa paglalakad ng demonyo. Ang dami niyang sinasabi at ipinapaliwanag, lalo na tuwing may nadadaanan kaming hallway, pero dedma lang ako. Nagmumukha na nga siyang tanga, e. Alam niyang hindi ako nakikinig pero tuloy-tuloy lang siya.Mas focus kasi ako sa ibang empleyado rito, lalo na ’yong mga mapanghusgang naririto. Kung makatingin sa akin ng mariin, akala mo talaga may nagawa akong kasalanan sa pamilya nila. Puro kapwa-babae ko pa. Tsk.Tatandaan ko mga mukha niyo. Makikita niyo!“This is the elevator,” muling pahiwatig ng damuho pagkapasok namin sa loob.Isa pa ’to, e. Ano, hindi ko alam itsura ng elevator,
Read more