Laglag ang panga ko at namimilog ang mga mata kong nakatingin sa kaniya. He smiled at me innocently, then casually went back to eating like nothing happened."Anak ka ng tokneneng!" bigla kong sigaw.Muntik na siyang mapaigik sa kinauupuan dahil sa gulat. Lumapit ako sa kaniya nang husto saka ko siya tinampal sa may balikat."Hey, hey, Charlita!" natatawa niyang ilag sa paulit-ulit kong pagtampal sa kaniya."Buwisit ka! Pinakialamanan mo cellphone ko, ’no?!" sigaw ko pa at tuloy lang sa pagtampal sa braso niya.Nang hindi ako nakontento ay sinabunutan ko na siya sa buhok.“I-I told you, I just happened to see it!” palusot pa niya. "Naiwan mong bukas kaya gano'n. Wala akong intensyon, promise!"Maniniwala sana ako kaso tawa lang siya nang tawa, kaya mas lalo kong hinigit ang buhok niya. Buwisit, nakakahiya!"Neknek mo, Lance! Buwisit kang hayop ka!" tiim-bagang kong sigaw.Tawa lang siya nang tawa na para bang wala nang kinakain dito ng hiya. Nakakahiya talaga, putek na 'yan!"Stop it,
Read more