Oo, babae talaga ang kausap niya. Matangkad at balingkinitang babae, may suot na fitted tube, habang ang mahaba at tuwid na buhok ay mataas ang pagkakapuyod.Kliyente niya siguro? Hm...Pareho silang napalingon ni Lance sa gawi ko kaya pumasok na lang din ako agad. Tumayo agad si Lance at naglakad palapit sa akin.Humalukipkip ang babae, sabay sandal ng likod sa lamesa ni Lance. Ngingitian ko sana siya ngunit naudlot nang mauna niya akong taasan ng kilay. Tinaasan ko rin siya ng kilay. Akala niya, ha?“Erich, this is Charlita. Charlita, she is—”“I’m not interested in her, Kuya!” the woman cut him off dramatically.Kuya?“Erich!” may pagbabantang tawag sa kaniya ni Lance.Napaayos ng tayo ang babae, habang ako nama’y gulat na napatitig sa mukha nito.Tinawag niyang Kuya si Lance... ibig sabihin, magkapatid sila?Pero paano?Sa pagkakaalam ko, sila lang tatlo nina Lero at Liel ang magkakapatid, ah. Ni hindi ko nga nakita ang isang ‘to sa kasal ni Liel."Kuya naman kasi, e! Dalaw ka na
Read more