THIRD PERSON POV:Habang masayang nag-aasaran at naglalambingan sina lance at Charlita sa loob ng executive suite ng Valderama Group, sa kabilang bahagi naman ng lungsod ay may panibagong gulo nang nagluluto sa dilim. Sa loob ng isang abandonado, madilim, at maalikabok na bodega malapit sa port area ng lungsod, tahimik na nakatayo si Liam sa tabi ng isang sirang bintana habang may hawak na baso ng mamahaling alak. Ang kaniyang matatalas na asul na mga mata ay nakatitig sa pintuan, nag-aantay sa kaniyang panibagong kasosyo.Ilang sandali pa ay bumukas ang kalawanging pinto at pumasok ang isang babaeng nakasuot ng malaking itim na hoodie upang itago ang kaniyang pagkakakilanlan. Pagkasara ng pinto, marahas niyang tinanggal ang takip sa kaniyang ulo at bumadya ang magulo, pagod, at punong-puno ng galit na mukha ni Veronica."You're late, Veronica. I expected a lady from a high-society family to be more punctual when it comes to business appointments," malamig at pormal na bati ni Liam ga
Ler mais