Matapos ang pagbisita ni Tito Caleb, naging mas magaan ang pakikitungo sa akin ng mga tao sa 15th floor. Pero ang katahimikang 'yon ay tila ba kalmado lang bago ang paparating na sakuna. Isang Huwebes ng hapon, ipinatawag ako ni Ms. Karen sa opisina dito ni Lance sa top floor. May biglaang pagpupulong daw para sa isang bagong project, at dahil hawak ko ang Customer Relations, kailangan ang presensya ko para mag-take note ng mga specifications ng VIP client.Pagpasok ko sa opisina ni Lance, hindi ko inaasahan ang madatnan ko.Nakaharap siya sa isang napakagandang babae na nakaupo sa tapat ng kaniyang lamesa. Ang babae ay mukhang kasing-edad lang namin, may mapuputing balat, mahabang kulot na buhok na kulay tsokolate, at nakasuot ng isang mamahaling puting designer suit. Kitang-kita ang pagiging elegante niya sa bawat galaw ng kaniyang kamay habang may ipinapakita kay Rev sa kaniyang tablet."Oh, you're here, Charlita," pormal na bati ni Lance sa akin nang mapansin niya ako. Lumingon s
Read more