Kinabukasan, imbis na mag-ikot sa mga modernong gusali ng Tokyo, isinakay ako ni Lance sa isang bullet train patungong Kyoto. Buong biyahe ay tahimik siya habang nakatingin sa labas ng bintana, hawak-kamay pa rin niya ang kamay ko pero ramdam ko ang kakaibang bigat sa kaniyang anyo na napakalayo sa kaniyang pagiging mapang-asar na nakasanayan ko.Pagkababa namin sa istasyon, sumakay kami sa isang pribadong sasakyan hanggang sa makarating kami sa isang napakalawak, tahimik, at tradisyunal na sementeryo na napaliligiran ng mga matatandang cherry blossom trees. Naglakad kami sa gitna ng mga daanang bato hanggang sa huminto kami sa harap ng isang napakalaki, malinis, at mamahaling libingan na gawa sa itim na granite. May mga nakaukit doon na mga gintong karakter ng Hapon na hindi ko naman mabasa."Lance, ba't nandito tayo? Huwag mo sabihing sa pagselos mo kanina, ililibing mo ‘ko ng tunay ha?!" estiriko ko na sandali niyang ikinahalakhak.Huminga siya nang malalim bago dahan-dahang lumuh
Read more