Hindi ko inakalang darating ako sa araw na ito na mas gugustuhin kong bumagal ang oras. Dati, kapag may training, ang iniisip ko lang ay kung paano ko matatapos ang session nang hindi napapahiya sa sarili ko. Kapag may bagong drill, gusto kong makuha agad. Kapag may nagawang mali, gusto kong maitama bago pa may makapansin. Ngayon, habang nakatali ang sapatos ko sa gilid ng court, iba ang laman ng isip ko.Ilang araw na lang.Ilang araw na lang bago ako tuluyang umalis sa lugar na naging bahagi ng routine ko, ng mga frustration ko, at ng mga bagay na hindi ko inakalang matututuhan ko.“Salazar, kung tinitingnan mo lang ang sapatos mo, hindi niyan kusang tatapusin ang laces.”Napatingala ako. Kuroo stood a few steps away, clipboard in hand.“Coach, naka-tali na po.”“Then stand up.”“Ang aga-aga.”“Last session. I expect you to complain with better timing.”Napangiti ako habang tumatayo. Last session. Ang simple pakinggan, pero nang marinig ko ang mga salitang iyon, parang may maliit na
Read more