“Shane, ready ka na ba?”Tumingin ako kay Bokuto, na mukhang handang sumabak sa championship kahit simpleng recreational game lang naman ang usapan namin.“Ready saan?”“Maglaro!”“Bokuto, nasa gym na tayo.”“Exactly!”Hindi ko alam kung paano nagiging mas excited ang isang tao habang tumatagal ang araw. Kanina pa siya nagsasalita tungkol sa game, at sa dami ng energy niya, parang ako pa ang kailangang uminom ng tubig para sa aming dalawa.Nasa gilid ako ng court, inaayos ang sintas ng sapatos ko. Katabi ko ang bag na may lamang extra shirt, towel, at tumbler. Sinigurado ko ring naka-silent ang phone ko. Natapos ko naman ang reading assignment ko noong umaga, at naipasa ko na rin ang initial interview outline para sa bagong project.May natitira pang trabaho sa bahay, alam ko. May mga bagay din akong gustong gawin sa sarili kong oras.Kaya nang mag-message si Bokuto kagabi, pinag-isipan ko muna bago pumayag. Hindi naman dahil kailangan kong humingi ng permiso sa calendar ko. Gusto ko
Read more