“Three minutes.”Napatingin ako kay Mara. “Ha?”“Your presentation. Three minutes lang ang allotted sa iyo.”Tumingin ako sa laptop, saka sa hawak kong notes. Labing-isang pahina.“Ma’am, yung summary po ba ang ipi-present ko o yung buong buhay ng mga volunteers?”Napatawa si Mara habang inaayos ang upuan sa conference room. “The summary, Shane.”“Good. Akala ko kailangan ko nang magdala ng birth certificate nila.”“Please don't.”“Noted.”Alas-diyes ng umaga, at nagsisimula pa lang ang internal review ng Beyond the Court. Nandoon sina Mara, Luis, dalawang production staff, at ang documentation lead. Ako ang pinakahuling pumasok dahil nag-print pa ako ng revised interview summary sa kabilang opisina.Hindi naman ako kinakabahan. Well, medyo.Ang totoo, mas komportable akong nasa likod ng laptop, nag-aayos ng notes, nagche-check ng wording, at nag-aasikaso ng mga bagay na hindi nangangailangan ng atensiyon ng maraming tao.Iba ang pakiramdam kapag ikaw na ang nakatayo sa harap. Sa clas
Read more