KINABUKASAN...Isang napakasagana at maingay na almusal ang aming pinagsaluhan sa napakalawak na dining area ng penthouse. Puno ng tawanan, kalansing ng mga kubyertos, at amoy ng masasarap na pagkain ang buong paligid. Ako ang nagluto ng lahat ng nakahain sa mesa—mga juicy ribeye steak, creamy mashed potatoes, sariwang fruit salad, at iba't ibang masusustansyang side dishes na gawa sa gulay."Kain pa po kayo, Nay, Tay," nakangiti kong alok habang ipinaglalagay ng karagdagang serving ng mashed potato ang plato ng aking mga magulang."Naku, Myles... dahan-dahan lang sa paghahain, baka kapag umuwi tayo ng Pilipinas ay hindi na kami makapasok sa pinto sa taba," biro ni Tatay na ikinatawa ng lahat.Sa tabi ko, dahan-dahang inabot ni Kim ang aking plato. Ginamit niya ang kanyang tinidor at kutsilyo upang hiwain ang aking steak sa maliliit at tamang sukat bago iyon muling ibinalik sa harap ko."Myles... uuwi na tayo ng Pilipinas next week," nakangiting wika ni Kim habang may kasamang malambi
Read more