Ipinatong ko ang aking siko sa bar counter at iniyuko ang aking ulo, pilit na ibinababa ang aking tingin sa malamig na ibabaw ng mesa.Hindi ko gustong makita niya ang tunay na reaksyon ng mukha ko ngayon. Baka mahalata niya. Baka makita niya sa mga mata ko ang matinding sakit at pagmamakaawa na pilit kong itinatago sa likod ng aking mga ngiti.“Pero hindi naman ibig sabihin na dahil nagpakasal si Ate Mylene nang maaga... kailangan mo ring sundan ang ginawa niya,” mahina at halos pabulong kong sabi, pilit na itinatago ang panginginig ng aking boses.Bahagyang natigil ang kanyang mga daliri sa screen. Napatingin siya sa akin, may kaunting pagtataka sa kanyang mga mata.“Bakit?” kunot-noo niyang tanong. “Hindi ba maganda ang mag-asawa at bumuo ng pamilya?”“Hindi iyon ang ibig kong sabihin...” ilag kong sagot, hindi kayang salubungin ang kanyang tingin.“Kung mahal mo naman ang tao,” marahan niyang wika habang nakatitig sa akin, “bakit mo pa kailangang maghintay ng matagal na panahon?”
Read more