Hindi malakas. Hindi galit. Kundi iyon ang klase ng tawa ng isang taong hindi makapaniwala sa napakalaking kabobohan at kayabangan ng taong nasa harap niya.“Talaga, Mason?” tanong ko. “Iyon talaga ang paniniwala mo sa sarili mo?”“Oo,” sagot niya. “Kaya alam kong galit ka sa akin.”“Interesting,” huminga ako nang malalim, pinalitan ng malamig at nakamamatay na titig ang aking mukha. “Kung sa tingin mo ay nalulugi ako dahil sa pag-alis mo... kung ganoon, bayaran mo na lang ang utang at obligasyon mo sa akin.”Napakunot ang noo ni Mason. “Bayaran? Anong utang?”“Two hundred million pesos,” maikli kong sagot.Biglang nawala ang lahat ng kayabangan at kumpiyansa sa mukha ni Mason. Namilog ang kaniyang mga mata. “What?!”“₱200,000,000.00,” malinaw kong pag-uulit. “Iyon ang kabuuang halaga ng liquidation damages, breach of contract, at penalty clause para sa maagang pagputol mo sa limang taong kontrata natin nang walang kaukulang notice. Kasama na roon ang mga naunsiyaming international ca
Read more