Sa totoo lang, ilang beses ko na rin siyang gustong kumbinsihin noon na subukan ang modeling. Hindi lang dahil sa kaniyang angking pambihirang hugis ng mukha at katawan, kundi dahil bilang isang kilalang talent manager, nakikita ko ang kaniyang napakalaking potensyal.Ilang beses ko na siyang inalok sa mga nakaraang pagtitipon ng pamilya. At ilang beses din siyang tumanggi nang walang alinlangan.“Hindi ako interesado sa ganiyang mga bagay,” pormal at diretso niyang sabi ngayon, nakatitig sa akin.“Marco...” pagsisimula ko.“No, Rose Ann,” putol niya agad.“Hindi pa naman ako nagpapaliwanag—”“Alam ko na ang sasabihin mo, at hindi pa rin magbabago ang sagot ko.”Napangiti si Mylene at lumapit sa kaniya. “Marco, twenty-two ka pa lang. Baka naman panahon na para isipin mo ang sarili mong career at ang mga pintong pwedeng magbukas para sa 'yo?”“Masaya at tahimik ako sa buhay ko ngayon, Ate Mylene,” maikling tugon niya. "IT expert ako.. iyon ang nais ko."“Hindi mo man lang ba gustong su
Read more