Biglang namatay ang lahat ng ilaw sa buong ballroom.Sa isang iglap, bumalot ang isang matinding katahimikan sa paligid. Ang dating maingay na kalansing ng mga wine glass, ang malalakas na tawanan ng mga bisita, at ang walang katapusang bulungan ng mga fashion executives ay tuluyang naputol.Napatingin ako sa entablado.Nasa tabi ko si Marco, nakatayo nang matuwid sa kaniyang midnight-blue tailored suit. Kanina pa siya tahimik na naghihintay para sa kaniyang pormal na pagpapakilala bilang bagong mukha ng brand.“It's time,” bulong ko sa kaniya.Tumango siya. Naroon ang bahagyang kaba sa kaniyang mga mata, ngunit mas nangingibabaw ang matinding determinasyon.Mula sa malalaking surround sound speakers sa gilid ng entablado, nagsimulang umalingawngaw ang isang malalim, maawtoridad, at eleganteng orchestral piece. Kasabay nito, dahan-dahang umakyat ang liwanag ng isang solong warm spotlight sa gitna ng catwalk.Lumitaw si Mr. Howelle Vance.Nakatayo siya nang buong katikasan, hawak ang
Read more