Nang magsalita siya muli, mas mahina, mas malalim, at mas seryoso na ang kaniyang boses.“Magiging sinungaling ako kung sasabihin kong hindi na ako nasasaktan.”Napahigpit ang hawak ko sa aking sariling tasa. Ang aking mga kuko ay halos mamuti sa diin, ngunit hindi ako naglabas ng kahit anong tunog.“Nasaktan ako, Marco,” patuloy niya, at sa kauna-unahang pagkakataon ay nakita ko ang bahagyang panginginig ng kaniyang mga labi. “Sobra. I gave him three years of my life. I built him. I loved him with everything I had.”Tumango ako nang bahagya, tila sinasaksak ang sarili kong puso sa bawat salita niya.“But I'm not going back,” matatag niyang dagdag.“Why?”Tumingin siya nang diretso sa akin, at ang kaniyang mga mata ay naging kasing linaw ng kristal.“Because I only know how to love someone once.”Napahinto ako. “Once?”“Yes.”Diretso at walang pag-aalinlangan ang kaniyang titig sa aking mga mata.“Kapag minahal ko ang isang tao, ibinibigay ko talaga ang lahat. Walang tirang allowance
Read more