“Bakit ako, Rose Ann? Sa dami ng mga modelong nakapaligid sa'yo... bakit ako ang ipinalit mo?”Tinitigan niya ako. Hindi siya agad sumagot. Sa unang pagkakataon mula nang umupo kami sa restawran na ito, naging seryoso at malalim ang kaniyang mukha.“Because I saw something rare in you, Marco.”“Something?”“Potential. Raw, undiluted potential.”Napangiti ako nang mapait, nakatitig sa aking mga kamay. “Marami namang mas magaling sa akin sa labas. Mas maraming kilala.”“I know.”“Mas experienced sa malalaking fashion shows.”“I know.”“Mas connected sa mga kilalang tao.”“I know.”“Mas sanay sa runway at sa harap ng camera.”“I know all of that, Marco.”“Then why me?” tanong ko, hinahanap ang katotohanan sa kaniyang mga mata.Dahan-dahan niyang ibinaba ang kaniyang tinidor. Sumandal siya at tinitigan ako nang may matinding katapatan.“Because you don't know how good you can actually become yet.”Natahimik ako. Napatigil ang ikot ng mundo ko.“At iyon ang gusto kong makita at buuin,” pat
Read more