Nakatitig si Jureza sa kaniya, dahan-dahang humihinto sa pag-iyak habang binubuo sa kaniyang utak ang mga salita ng lalaki. "Anong gusto mong gawin ko, Harold?""Ang kailangan mo lang gawin," patuloy ni Harold habang may lumalabas na paitaas at demonyong ngiti sa kaniyang mga labi, "ay ang makipagsex nang walang proteksyon kay Jun sa mga susunod na araw. Gumawa ka ng paraan. Lasingin mo, gamitin mo 'yang katawan mo, o mas maging malambing ka sa kaniya para isipin niyang kailangan ka niya. Kapag nangyari 'yun, papaniwalain mo siya pagkaraan ng ilang linggo na kaniya ang bata sa tiyan mo. Aakuin niya 'yan nang walang kaduda-duda dahil takot siyang mawalan ka pa pagkatapos siyang itakwil ng pamilya niya."Napatitig si Jureza kay Harold, tila pinalalalim ang ideya sa kaniyang utak. Wala man lang bakas ng pag-aalinlangan sa kaniyang mukha. Wala man lang kaunting awa para sa akin."At kapag inako na niya ang bata?" tanong ni Jureza, na ngayon ay mas naging kalmado at interesado na sa daloy
Read more