Napasandal si Jayzel sa silya at napabuntong-hininga nang malalim. "Naku, 'wag mo nang itanong! Halos mabiyak ang ulo ko sa Criminal Procedure at Obligations and Contracts! Akala ko mamatay na ako sa recitation kanina bago ang exam!"Natawa ako habang pinapatakbo ang sasakyan palayo sa Law School. "Pero siguradong na-pasa mo 'yun. Ikaw pa ba? Ang talino mo kaya.""Ewan ko sa 'yo, Jun! Pero grabe, sobrang saya ko para sa 'yo ngayon," tumingin siya sa akin habang nagmamaneho ako, ang kaniyang mga mata ay puno ng tunay na katuwaan. "Sa wakas, graduate ka na talaga.""Salamat sa 'yo, Jayzel. Kung hindi mo na-record 'yung usapan nina Aria noon, baka hindi ako nakatayo sa entablado kanina.""Naku, kalimutan na natin ang mga 'yun," ngumiti siya. "Ang mahalaga ngayon, panalo tayo sa buhay."Hindi ko dinala si Jayzel sa mga mamahaling restaurant o sosyal na coffee shop. Alam kong tulad ko, mas komportable siya sa mga simpleng lugar na may halaga sa aming dalawa.Pumunta kami sa park sa gitna
Read more