Tumingala si Jun at ngumiti sa akin. "O, Jayzel, nakita mo na 'yung eraser mo?"Hindi ako kumibo. Isinara ko ang pinto ng silid dahil wala pa ang kaniyang Professor at ang kaniyang mga kaklase. Lumapit ako sa kaniyang mesa, inilabas ang aking telepono, at inilagay ito sa ibabaw ng kaniyang notebook.Kumunot ang noo ni Jun. "Ano 'yan?""Makinig ka, Jun," seryoso kong wika sa pinakamababang boses. "Makinig ka rito at huwag kang magsalita hangga't hindi natatapos."Pinindot ko ang PLAY.Mula sa maliit na speaker ng telepono, umalingawngaw ang buong boses nina Aria, Romnick, Elle, at Renz. Ang kanilang mga halakhak, ang pagtawag nila kay Jun na "uto-uto" at "basahan," ang plano nilang i-frame up si Jun sa kasong Plagiarism sa Dean's office, ang balak ni Romnick na bugbugin at tapusin ang buhay ni Jun sa labas ng campus, at ang balak nilang sirain pati ang scholarship ko.Habang tumutugtog ang recording, nakatitig lang ako sa mukha ni Jun.Nakita ko ang mabilis na pagbabago sa kaniyang mga
Baca selengkapnya