Bulaklak at mga confetti ang biglang sumabog sa hangin kasabay ng malalakas na hiyawan, palakpakan, at tugtog mula sa mga drumline ng iba't ibang law school. Alas-singko na ng hapon. Nag-umpisa nang maglabasan ang mga tao mula sa malaking pintuan ng testing center.Isa-isa, sunod-sunod silang umaagos palabas— may mga malaking ginhawa ang mukha, ang iba ay umiiyak sa labis na galak, at ang karamihan ay mabilis na sumasalubong sa mga braso ng kani-kanilang mga magulang, kapatid, kaibigan, at minamahal. Bawat taong lumalabas ay may naghihintay na yakap at mga cheering banner.Nakatayo pa rin ako sa gilid, halos walang galaw, nanginginig ang mga kamay habang nakahawak nang mahigpit sa bouquet ng mga sariwang bulaklak. Ang mga mata ko ay walang humpay na nag-aabang, pilit na humahanap sa gitna ng daan-daang mukhang dumadaan sa aking harap.At bigla... nakita ko siya.Si Jayzel.Nakatayo siya sa tuktok ng hagdanan, nakasuot ng simpleng puting shirt at jeans, nakalugay ang maganda niyang buh
Read more