"Noong iniabot ko na sa kanya 'yung tasa, hindi niya lang basta kinuha 'yung hawakan. Binalot niya ng dalawa niyang kamay 'yung kamay ko na may hawak sa tasa," dahan-dahan kong kwento, at sa tuwing naaalala ko ang tagpong iyon, parang bumabalik ang kuryente sa balat ko. "Nahiya ako kaya sinubukan kong bawiin ang kamay ko, sabi ko baka may makakita sa amin. Pero... pero hinigpitan niya ang kapit niya. Ayaw niyang bitawan.""Jusko, Kuya Kim! Ang lupit mo!" Mahinang tili ni Rose Ann habang nagpapagulong-gulong sa kama at niyayakap ang unan ko dahil sa labis na kilig. "Sabi ko na nga ba, galawang Kapitan talaga! Tapos, anong sinabi niya?""Sabi niya... huwag ko raw munang isipin ang ranggo niya sa barko. Sabi niya, wala kami sa Atlantic Ocean, kundi nasa harap ng bahay ko. At sa mga oras na 'yun, hindi siya si Kapitan, kundi isang simpleng lalaki lang na matagal nang humahanga sa akin." Huminto ako saglit upang huminga, dahil pakiramdam ko ay sumasabog na naman ang dibdib ko sa kilig. "Si
Read more