共有

Jayzel 220

作者: ExDealers
last update 公開日: 2026-10-18 17:27:41

Hindi ko na nilingon ang malaking bulwagang iniwan namin sa likuran.

Sapat na ang lahat ng trahedya at kahihiyang nangyari ngayong gabi. Hindi ko na kailangang manatili pa roon upang panoorin ang tuluyang pagbagsak ng mga taong nag-abang at gumawa ng masamang plano laban sa akin. Bahala na ang mga abogado at ang mga kinauukulan sa mga susunod na hakbang; ang mahalaga, ang buong katotohanan ay nailantad sa tamang paraan, at hinding-hindi na muling makokontrol ng mga taong may sariling makasarili
この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード
ロックされたチャプター

最新チャプター

  • Nawawalang Kabiyak ni Hot Captain    Jayzel 231

    Hindi ko alam kung ilang minuto kaming nanatiling magkayakap sa gitna ng maraming tao.Unti-unting humupa ang aking marahas na paghabol sa paghinga at pag-iyak, ngunit nahihiya pa rin akong tumingin nang diretso sa mga taong nasa aming paligid.Nakatayo pa rin si Jun sa aking harap, mahigpit na hawak ang aking mga kamay. Si Mama at Papa naman ay nasa magkabilang tabi namin, kapwa sinusubukang payapain ang aking loob.“Anak,” mahinang aya ni Mama, “gusto mo bang umupo muna tayo roon sa gilid?”Tumango ako nang mahina.Ngunit bago pa man kami makahakbang palabas sa karamihan, biglang may narinig kaming malakas na hiyaw mula sa mga taong nasa bandang unahan.“Wait! Wait! May announcement pa!”Napalingon kaming lahat sa pinanggalingan ng boses.Agad na nagsimulang magbulungan at magkagulo ang mga tao sa aming paligid.“May Top Ten pa pala!”“Gago, Top Ten!”“Ilalabas pa pala ang listahan ng mga nanguna!”Napakunot ang aking noo. Hindi ko agad naunawaan ang sinasabi nila. Dahil sa sobrang

  • Nawawalang Kabiyak ni Hot Captain    Jayzel 230

    “Wala…” mahina kong bulong.“Jayzel?” nag-aalalang tawag ni Mama.Hindi ako makasagot. Patuloy lamang akong nakatitig sa malaking screen, pilit na naghahanap ng mirakulo.“Wala... wala ang pangalan ko, Ma.”Naramdaman kong kumilos si Jun sa aking tabi. “Wait. Let's check it again. Baka nalaktawan lang natin.”“Wala, Jun... wala talaga.”Muli kong sinuyod ang buong listahan mula taas pababa. Wala talaga. Walang Lacsamana.Hindi ko alam kung ilang segundo akong napako sa kinatatayuan ko, umaasang baka may hindi lang ako nakita, baka may bahagi ng listahang hindi nag-load sa screen, o baka may pagkakamali lang sa pagpapakita. Pero habang lumilipas ang mga segundo, unt-unting naglalaho ang huling natitirang hibla ng pag-asa.Napayuko ako. Hindi ko namalayang mabilis na palang tumutulo ang mainit na luha sa aking mga pisngi.“I'm sorry...” bulong ko.Agad na hinawakan ni Jun ang magkabilang balikat ko. “Hey. No. Don't apologize, please.”“I'm sorry...”“Jayzel, look at me.”Umiling ako nan

  • Nawawalang Kabiyak ni Hot Captain    Jayzel 229

    “Pati ikaw, Papa, nakikisali ka na riyan,” reklamo ko, pero hindi ko pa rin mapigilan ang pagngiti.Ngumiti si Papa at lumapit sa akin. Marahan niyang hinaplos ang aking buhok. “Anak, huwag kang masyadong kabahan. Anuman ang mangyari ngayong araw, sobrang proud kami sa iyo.”Napayakap ako nang mahigpit sa kaniya. “Thank you, Papa.”Hinalikan niya ako sa noo. “Pinaghirapan mo ito. At anuman ang maging resulta, hindi kailanman mababawasan ang pagmamahal at pagmamalaki namin sa iyo.”Mula sa kabilang tabi ko, narinig ko ang mahinang pagsinghot ni Jun. Napaatras ako mula sa pagkakayakap kay Papa at agad na lumingon sa kaniya.“Jun? Umiiyak ka ba?”Mabilis siyang umiling habang pilit na ibinabaling ang mukha sa malayo. “No.”“Namumula ang mga mata mo, o!”“It's the wind, Jayzel.”Napatingin ako sa paligid. Walang man lang malakas na hangin na umiihip sa kinaroroonan namin.“Talaga?”“Yes.”Napangiti ako nang pilyo. “Sinungaling.”Bago pa siya makasagot at makadepensa sa sarili, binitawan n

  • Nawawalang Kabiyak ni Hot Captain    Jayzel 228

    “Hindi mo kailangang maging ganoon ka-honest!” singhal ko, kahit hindi ko na mapigilan ang pagngiti.Tumingin siya sa akin nang walang kaimpormasyon-impormasyon sa mukha, na para bang wala siyang ginawang masama. “Bakit? Hindi ba iyon ang napag-usapan natin?”“Jun!”“Anong Jun? Ikaw naman ang nagsabi na kapag pumasa ka sa Bar, magpapakasal na tayo.”“Hindi ko sinabing kailangan mong ipaalam sa buong mundo na naghihintay ka lang ng lisensiya ko para makasal tayo!”“Hindi naman sa ganoon.”“E, ano?”Ngumiti siya at bahagyang yumuko upang magpantay ang aming mga mata. “I'm waiting for you to become the woman who can proudly sign her name as Atty. Jayzel Sanchez. Apelido ko na, siyempre.”Natahimik ako. Napatingin ako sa kaniya, hindi sigurado kung dapat ba akong matuwa o mainis sa natatanging kakayahan niyang bigla na lamang akong patitiklopin at patahimikin.“Ang daya mo,” bulong ko.“Why?”“Dahil kapag ganiyan ka magsalita, hindi ko na alam kung paano kita sasagutin.”Lalong lumawak an

  • Nawawalang Kabiyak ni Hot Captain    Jayzel 227

    HINDI ko na alam kung ilang beses na akong napabuntong-hininga mula nang makarating kami sa harap ng University of the Philippines Diliman.Ilang beses ko na ring tiningnan ang cellphone ko, umaasang may bagong balita tungkol sa oras ng paglalabas ng resulta ng Bar Examinations. Pero wala. Paulit-ulit ko lang nakikita ang parehong mga post, parehong mga komento, at parehong mga tanong mula sa mga katulad kong naghihintay sa pinakamahalagang balita ng aming buhay.'Pumasa ba ako?'Iyon lamang ang tanong na paulit-ulit na umiikot sa isip ko.Sa araw na ito, malalaman ko kung ang lahat ba ng gabing halos hindi ako natulog, ang mga librong ilang ulit kong binasa, ang mga kasong pilit kong isinaulo, at ang mga luha't pagod na tiniis ko ay magbubunga ng pangarap na matagal ko nang ipinaglalaban.Ngayong araw, malalaman ko kung magiging abogado na ba ako. At higit sa lahat, malalaman ko kung matutupad ko na ba ang pangakong binitiwan ko sa lalaking nakatayo sa tabi ko.Si Jun.Kung tutuusin,

  • Nawawalang Kabiyak ni Hot Captain    Jayzel 226

    Natahimik ako sandali bago tumingin sa kaniya nang seryoso. “Pero alam mo kung ano ang pinakamasakit sa lahat?”“Jayzel…”“Para sa iyo, normal lang ang lahat ng iyon, Jun. Kaibigan mo ako. Best friend mo. Kaya komportable kang gawin sa akin ang mga bagay na iyon nang walang halong malisya. Hindi mo kailangang mag-isip kung ano ang epekto sa akin dahil hindi mo naman alam na bawat simpleng kilos mo ay lalo akong lumulubog.”Naramdaman kong nanikip ang dibdib ko, ngunit ipinagpatuloy ko pa rin ang pagsasalita. “Hindi kita sinisisi dahil naging mabuting kaibigan ka sa akin. Hindi mo kasalanan na naging komportable ka sa presensya ko. At lalong hindi mo kasalanan na nagkaroon ako ng damdaming hindi mo naman kailanman hinihingi.”Tumingin ako sa kaniya nang diretso sa mga mata. “Ang kasalanan ko, siguro, ay hinayaan ko ang sarili kong umasa nang umasa. Sa halip na tanggapin na kaibigan lang ang turing mo sa akin, gumawa ako ng sarili kong kuwento sa isip ko. Bawat yakap mo, bawat hawak mo

  • Nawawalang Kabiyak ni Hot Captain    CHAPTER 4

    Pag dating ko sa Hotel ay agad na humingi ako ng tawad sa supervisor ko dahil sa pag iwan ko sa post ko. Nakakaunawang pinatawad naman ako nito at agad na pinabalik sa trabaho ko.Inunti-unti ko na ang paglilinis ng nasabing kwarto. Mabuti na lamang at na delay din ang flight ng VIP Guest namin nga

  • Nawawalang Kabiyak ni Hot Captain    CHAPTER 3

    Nalaman kong ubod ng yaman nitong si Gab. Ang negosyo ng mga ito ay ang mamahalin na mga perfume kaya pala ubod ng bango ng lalaki lalo na nung nakulob kami kasama ito sa sasakyan nito. Humahalimuyak ang amoy nito, yun bang mahihiya ka na tumabi dito dahil napaka bango nito pero hindi masakit sa ul

  • Nawawalang Kabiyak ni Hot Captain    CHAPTER 2

    Totoong hindi naman nabangga ang anak ko at kitang kita iyon ng dalawang mata ko. Nakapag preno ang driver bago pa nito mabundol si Kimmy. Sadyang sobra lamang akong nag alala at kinabahan ng bumagsak ang anak ko sa lupa at nawalan ito ng malay. Mabuti na lamang at mabait pa din ang driver at amo n

  • Nawawalang Kabiyak ni Hot Captain    CHAPTER 1

    MYLENE’S POV:“Kimmy! Not there mahal! Please stay near me, you might get lost!”. Sabi ko sa napaka cute kong limang taong gulang na anak.“Mommy, I’m okay! Look! I can walk alone!” Pag mamayabang nito sa akin habang naglalakad ito ng halos isang metro ang layo sa akin habang hawak hawak nito ang

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status