Nang maibaba ko ang tawag kay Miss Claire, agad kong inilabas ang aking personal na telepono. Hindi ako pwedeng makampante sa pag-aakalang dito lang sa hotel magtatapos ang lahat. Alam kong kapag naramdaman ni Mylene na nasusukol siya, maaari siyang magbitiw sa trabaho at muling maglaho na parang bula. At sa pagkakataong ito, hindi ko na hahayaang mangyari iyon.Mabilis kong tinawagan si Jay, na kasama ko rito sa Paris."Kapitan," agad na sagot ni Jay sa kabilang linya."Jay, kailangan ko ang buong lakas ng team mo ngayon din," mariin at walang paligoy-ligoy kong utos. "Nahanap ko na si Mylene. Nagtatrabaho siya rito sa Le Grand Parisian Hotel sa ilalim ng pangalang Mylene Reyes."Narinig ko ang bahagyang pagkabigla sa kabilang linya bago agad na sumagot si Jay, "Sige po, Kapitan. Anong gusto ninyong gawin namin?""Alamin ninyo ang lahat tungkol sa kanya," pautos kong wika habang nakatitig sa bintana ng aking VIP suite. "Gusto kong malaman kung saan siya eksaktong nakatira rito sa Par
Read more