Pagpasok na pagpasok namin ni Freya sa malaking pinto ng grand lobby ng mansyon, dala-dala ang mga brown paper bags ng art supplies na pinamili namin sa mall, pakiramdam ko ay dala namin ang magandang aura mula sa labas. Ang mga mata ni Freya ay may kakaibang ningning na ngayon, at ang ngiti sa kanyang mga labi ay totoo na—malayo sa pugtong mga mata na nakita ko sa hardin kaninang umaga.Pero ang magandang mood na iyon ay agad na nabasag sa loob lamang ng tatlong segundo.Sa gitna ng sala, nakaupo na naman ang babaeng hindi ko inaasahang makikita pa rito matapos ang malaking gulo kahapon—si Carmilla. Nakasuot ito ng isang maikling designer dress, nakade-kwatro ang mga binti, at parang reyna ng buong mundo habang umiinom ng tsaa. At sa hindi kalayuan, nakatayo ang kuya kong si Raphael sa tabi ng hagdan, suot pa rin ang kanyang formal business suit, nakapamulsa ang isang kamay at seryosong-seryoso ang mukha.Nang marinig ang yabag namin, sabay na lumingon sina Kuya Raphael at Carmilla.
Magbasa pa