Akala ko matapos ang eksena namin sa silid kung saan siningil niya ako sa "utang" ko ay magiging tahimik na ang buong araw ko, pero nagkamali na naman ako. Linggo ngayon, at dahil walang seryosong construction work sa site sa araw na ito, desisyon ni Sir Raphael na mamili raw kami ng mga sariwang sangkap para sa lulutuin naming tanghalian.Oo, tama ang nabasa ninyo. Ang bilyonaryo at germaphobic na si Raphael Grandford, nagyabang na sasama sa akin sa pampublikong palengke ng bayan dito sa Quezon!"Sigurado ba kayo dyan, Sir?" tanong ko habang nakatayo kami sa labas ng itim na SUV at nakatitig sa makipot, matao, at medyo maalikabok na tarangkahan ng palengke. "Baka mamaya ay atakihin kayo ng asthma o kaya ay mahimatay kayo sa amoy ng isda at karne rito!"Seryosong tiningnan ni Sir Raphael ang palengke, saka ibinalik ang tingin sa akin habang suot ang kanyang itim na shades at simpleng puting t-shirt. "Huwag mo akong hamunin, Freya. Kaya ko ring mamili rito katulad ng iba. Just lead the
Read more