Hindi makapaniwala si Arabella, sa dinami-dami ng lugar dito sa Taguig. Talagang nakita na naman niya ang taong iniiwasan na niyang makita. Napailing na lang ang babae sa kanyang isip, talagang mahilig siyang paglaruan ng tadhana.Nakita niyang umorder din ng isang tasa ng kape ang lalaki, mukhang may hinihintay rin ito. Hindi na siya nag-aksaya ng kahit isang tingin. Itinuon niya na lang ang buong atensyon niya sa kanyang laptop, na para bang walang taong nakaupo sa tapat niya.Abala siyang pag-aralan ang mga reports sa kanyang laptop, nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Si Lhanze pala ang tumatawag, agad naman niya itong sinagot. “Hello, Ara malapit na ko. Mga ten minutes away na lang siguro to.”“Sige ayos lang, ingat sa pagmamaneho.” Nang maibaba na niya ang tawag, tumayo siya upang magtungo sa restroom. Pagbalik niya, bigla siyang natigilan sa kanyang nakita. Dahil ang lalaking kanina ay nasa kabilang mesa ay nakaupo na mismo sa harap niya. Bahagyang lumaki ang mga ma
اقرأ المزيد