“Talaga po Ate Ganda? Miss niyo rin po ako?” natutuwang tanong ng bata. “Oo naman Callie, hinintay ko nga yung tawag mo kahapon eh.”Nang marinig iyon ng bata, agad na nawala ang lungkot sa kanyang mukha. Naging masaya siyang muli at nagpatuloy sila sa pagkukwentuhan. Nagpatuloy ang kanilang pag-uusap hanggang sa makarating sa hotel si Arabella. Ayaw pa ring ibaba ng bata ang tawag. Maya-maya pa ay narinig ni Arabella ang boses ni Nathaniel mula sa kabilang linya. “Anak, anong oras na? It’s time to take a bath na.”“Eh Papa, kausap ko pa po si Ate Ganda eh. Pwede po ba na later na lang ako maligo?”“Anak, ano oras na po eh. Kailangan mo na maligo.”Hindi na napigilan ni Arabella ang sumabat. “Callie, listen to your Papa. Maligo ka na po, kasi anong oras na rin eh.”“Eh Ate Ganda, di’ba you promised me kanina na kakantahan mo pa ako pag nakauwi ka na?”“Hhmm sige ganito na lang Callie, maligo ka muna then tawagan mo ako ulit. Tapos tutuparin ko na yung promise ko sayo, kakantahan k
อ่านเพิ่มเติม