Se connecterHindi galit ang tono niya, nanatili itong kalmado habang nagtatanong. Ilang sandali ring nanahimik si Valentina sa kabilang linya, hindi siya tumanggi.“Oo bakit? Ako nga ang nag-utos sa kanya, pumunta ba siya sayo?”“Bakit mo ginawa iyon? Eh wala naman siyang ginagawang masama sayo.”“Meron! Kasalanan niya iyon, hindi niya dapat pinakikialaman ang mga bagay na hindi naman niya dapat pakialaman. At huwag mong isipin na hindi ko alam ang iniisip niya, gusto ko lang naman siyang turyan ng leksyon.”Narinig ni Arabella ang boses ni Valentina sa kabilang linya. Halos gusto na ni Arabella na tumagos sa cellphone at sampalin ito nang ilang beses. Napakayabang nito para sabihin ng ganoon kadali ang mga bagay na ginawa niya. Para bang sigurado itong walang makakapagparusa sa kanya. Napahilot si Andrei sa kanyang noo, mas naging maayos ang kanyang boses. “Valentina, sumosobra ka na.”Huminga ng malakas si Valentina, halatang hindi man lang ito nababahala. “Nagpapabayad ba siya? Magkano ba a
“Sinabi na sa akin ni Lhanze na may kailangan kayong pag-usapan ni Valentina. Kaso wala siya rito ngayon, ano ba pag uusapan niyo? Pwede mo namang sabihin sa akin.”Seryosong tiningnan ni Arabella ang lalaki, bago nagsalita. “Kung ganoon, sige sayo ko na lang sasabihin.”“Sige lang, sabihin mo lang kung ano ba talaga ang gusto mong sabihin.”“May isang post sa financial forum na group ngayong araw, anonymous ang nag post nito.”“So anong meron? Ano naman kinalaman ng kapatid ko jan?” nagtatakang tanong ng lalaki. “Masyado ka naman atang busy para hindi ‘yon mapansin, yung post kasi puro paninira at kasinungalingan tungkol sa akin. Gusto mo ba makita?”Matipid na tumango ang lalaki, kahit binura na ito ng nag-post mabilis na-screenshot ni Arabella ang buong post. Agad niyang inabot kay Andrei ang kanyang cellphone.Tinanggap naman ito ng lalaki, totoo naman kasi na wala siyang alam tungkol sa post na sinasabi ng babae. Habang binabasa niya ang laman nito, unti-unting dumilim ang kany
“Kailan yan?” tanong ni Dominic“Yung unang beses nung i-interview ko si Nathaniel sa office niya, tapos yung pangalawa ay yung inaya ako mag dinner ni Callie sa bahay nila. Then kahapon nagkita rin kami sa bahay ni Sir Jim accidentally lang naman yun. Pero sa tatlong iyon, yung dalawa ay nakita kami ni Valentina.” paliwanag ni Arabella.Mabilis na nagbago ang ekspresyon ni Chriztle. “Sabi na eh! Sigurado na talaga akong may kinalaman dito yung ahas na ‘yon eh. Kasi hindi niya makuha ng lubos si Nathaniel, kaya naman sa maruming paraan ang ginamit niya.”“Eh ano namang kinalama ko roon? Eh wala naman akong pakialam kay Nathaniel, kahit isaksak niya pa sa baga niya eh.” naiinis na sagot ni Arabella. “Wala ka ngang pakialam kay Nathaniel ngunit nakikita niyang nagiging malapit ka sa anak nito. Eh alam naman natin lahat kung gaano kahalaga si Callie sa ama niya, baka natatakot lang siya na mas ikaw ang magustuhan ng bata bilang nanay niya kaysa sa kanya.”Biglang narealize ni Arabella
Nang mabasa ni Arabella ang message mula kay Callie, hindi niya mapigilang mapaluha. Hindi niya akalain na makakausap niya ng ganito ang kanyang anak. Mga ilang oras bago ang message nito, tumawag din sa kanya si Callie at nakiusap na baka pwede siyang makausap. Ngunit sinabi niyang overtime pa siya sa opisina at marami pa siyang ginagawa. Buong akala niya ay mag tatampo ito ngunit laking gulat niya ng maintindihan siya ng bata. Mabait na bata talaga si Callie, hindi na siya nangulit. Muli niyang binasa ang message ng anak, biglang nawala ang lahat ng pagod at inis niya. Napangiti siya at mabilis na nag-reply.“Hi Callie, maraming salamat. Ikaw rin ha? Alagaan mo rin ang sarili mo, Good Night din.”Pinunasan niya ang luhang pumatak sa kanyang pisngi bago pinindot ang send button. Maya-maya ay may biglang kumatok sa pinto,binuksan iyon ni Lhanze. Nag-overtime rin ito ngayong gabi dahil marami talaga silang inaasikaso. Inilagay ni Arabella ang kanyang cellphone “Ready ka na? Uwi na
Nanatiling kalmado ang mukha ng lalaki, hindi niya inaasahan na napansin pala ng matanda ang hindi nila pagiging okay ng babae. “Interesado po ba kayo sa kung ano ang namamagitan sa amin?”Bahagyang sumimangot ang matanda. Talagang matalas ang batang ito.Ikinaway niya ang kamay bago muling nagsalita. “Nagtatanong lang naman ako, sige na umalis ka na.”Napangiti na lang ang lalaki at muling nagpaalam bago tuluyang umalis. Pagsakay niya sa sasakyan ay nakaalis na rin ang kotse ni Arabella. "Nagtatanong lang ako. Sige na, umalis ka na."Habang nagmamaneho si Arabella, huminto siya sa isang traffic light. Bahagyang nakabukas ang bintana ng kanyang sasakyan. Maya-maya pa ay may isang pamilyar na sasakyan ang huminto sa tabi niya. Agad siyang napalingon, nakita niyang si Nathaniel ang nagmamaneho nito. Kaya naman wala na siyang sinayang na oras, dali-dali niyang sinara ang bintana. Nang mag green na ang traffic light, mabilis niyang inapakan ang silinyador at mabilis na umabante.Hind
“Uncle Jim…magkakilala po pala kayo ni Miss Crystal?” Tiningnan siya ng matanda, bago tumango.“Oo, pero mukhang magkakilala rin kayo ni Crystal. Dahil mukhang malapit si Callie sa kanya.”“Opo, nagkakilala po kami dahil sa summit and nakita siya ni Callie noong isang beses na magka-video call kami.”“Pinakilala lang siya sa akin ni Lhanze, kaya naman siya ang nagdala ng regalo para sa akin ngayon. Gustong-gusto siya ng anak mo ano.”Tahimik na tumango ang lalaki, pagkatapos noon sinamahan niya ang matanda sa paglalaro ng chess. Samantala, dinala naman ni Khloe si Callie sa may fish pond. Napakaganda ng paligid, may mga artificial rocks, may tubig rin na umaagos at mga magagandang halaman. Malinaw rin ang tubig sa pond, nahahati ito sa tatlong bahagi. Puno iyon ng mga ornamental fish, mahilig kasi si Khloe sa mga isda. Kaya naman binilhan siya ng kanyang ama ng iba’t ibang unique at mamahaling uri ng isda. May mga taong naka-assign para alagaan ang mga ito araw-araw. Masayang-masa
Nanatiling nakaupo lang si Arabella sa kama habang hawak ang tiyan. Sa labas ng bintana, unti-unti nang lumulubog ang araw. Ilang sandali pa ay biglang tumunog ang kanyang cellphone.Saglit siyang natigilan bago ito dahan-dahang dinampot mula sa kama. Nang makita niya ang pangalan sa screen, bahag
“Tapusin mo ang financial analysis ng bagong project bago mag tanghalian.”Bumalik si Arabella sa kanyang mesa.Kahit inilipat siya sa sekretarya bilang isang ordinaryong empleyado, marami pa ring trabahong hindi naman sakop ng posisyon niya ang pinapagawa sa kanya ni Joyce. Wala naman siyang magaw
Dahan-dahan binuksan ni Arabella ang pinto ng opisina ng kanyang professor.Nang iangat ni Lhanze ang kanyang ulo at makita ang babaeng nakatayo sa pintuan, natigilan siya. Halos hindi niya agad nakilala ang babaeng nasa harap niya.Nang magsalita ito, saka lamang niya ito nakilala.“Professor Lhan
Hindi na muling nagsalita si Nathaniel pagkatapos noon. Nanatili itong nakapokus sa pagmamaneho, habang tahimik na umaandar ang sasakyan sa gitna ng mabigat na trapiko sa lungsod. Sa loob ng kotse, tanging mahinang ugong lamang ng aircon at tunog ng mga sasakyan sa labas ang maririnig.Tahimik na







