Share

Chapter 94

Author: Sienna Fox
last update publish date: 2026-08-08 21:53:43

Napatingin si Arabella sa mga pagkaing nasa mesa, halos paborito niya ang naroon. At halata rin na galing pa ito sa mamahaling restaurant. Umupo ang lalaki sa tapat niya at sabay silang nag almusal.

Makalipas ang ilang sandali, biglang nagsalita ang lalaki.

“Ano ba ang nangyari sayo kahapon? Bakit mo naman naisipan na mag-inom?”

Natigilan ang babae sa pagsasandok ng lugaw. Alam niyang hindi niya kayang itago ang nangyari. Kaya naman buo niyang ikinuwento ang pagkikita nila ni Callie sa Monteve
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Wife's Crushing Strike: You Rejected Me First, Remember?   Chapter 149

    Mahigpit na kinuyom ni Arabella ang kanyang mga kamay at buong tapang na hinarap ang matapang na tingin ng lalaki. Walang sinabi ni Nathaniel. Sa halip, binuhat niya si Valentina nang parang prinsesa at tuluyang umalis ng ballroom.Nang makaalis sila—Biglang nanghina ang katawan ni Arabella na kanina pa naninigas dahil sa tensyon. Nang mawalan siya ng balanse at muntik nang bumagsak nataranta si Lhanze at mabilis siyang sinalo.“Ara!”Huminga ng malalim ang babae at pilit na pinakalma ang sarili.“Okay lang ako.”Tumingin si Joseph kay Lhanze.“President Lhanze, ano ba talaga ang nangyari? Bakit umabot sa ganun ang away nila?”Mahinahon ang kanyang tono at walang bahid ng paninisi ngunit agad namang nakita ni Lhanze ang hindi pagkagusto nito sa nangyari. “Sir Joseph, alam kong alam mo kung ano talaga ang ugali ng pamangkin niyo. Hindi lahat ng tao kayang magparaya para sa kanya.”Pagkasabi niyon, inalalayan niya si Arabella at sabay silang umalis. Pagbalik nila sa kwarto, tuluyan na

  • The Wife's Crushing Strike: You Rejected Me First, Remember?   Chapter 148

    Kailangan munang lumabas at huminga ng malamig na hangin sa dagat. Samantala, hawak ni Nathaniel ang kamay at bewang ni Valentina habang sumasabay sa ritmo ng musika. Nang umikot si Arabella, sakto namang nakita niya ang dalawa. Saglit na nagtagpo ang kanilang mga mata ni Nathaniel, ilang segundo lamang. Pero agad din nitong binawi ang kanyang tingin. Kahit gusto niyang balewalain ang presensya ng dalawang iyon, hindi niya maipaliwanag kung bakit nakakaramdam siya ng matinding pagkailang nang makita sila. Maging si Lhanze ay napansin iyon, kaya naman nag-aalala siyang nagtanong. “Gusto mo bang umalis muna tayo?”Tumingala ang babae sa kanya bago muling ibinaba ang tingin. “Hindi na kailangan, okay lang naman ako.”Alam naman niya sa sarili niya na hindi niya maiiwasan si Nathaniel habambuhay. Sa mga susunod na araw, tiyak na magkikita pa rin sila. Kung hindi niya kayang iwasan, kailangan na lang niyang matutong masanay. “Hhmm okay, basta relax ka lang.” marahang sinabi ni Lhanze.

  • The Wife's Crushing Strike: You Rejected Me First, Remember?   Chapter 147

    Malamig siyang tinitigan ng lalaki, biglang umangat ang isang mapangasar na ngiti sa gilid ng labi nito. Napansin ni Arabella ang pangungutya sa mga mata ni Nathaniel kaya bahagyang kumunot ang noo niya. Ano bang ibig sabihin nito?Ilang sandali lang, lumapit si Valentina kay Nathaniel at malambing na kumapit sa braso nito. “Babe, anong tinitingnan mo?”Nang yumuko si Valentina sa direksyon kung saan naka tingin ang lalaki, agad niyang nakita sina Lhanze at Arabella. Mabilis na nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha. Samantala, ibinaba ni Arabella ang kanyang tingin at iniwas na lang ang mga mata. “Tara na,” sabi ni Lhanze. Bahagyang tumango ang babae. “Hmm.”Sabay silang naglalakad patungo sa unahan, ngunit hindi nagtagal ay may nakasalubong silang mga kakilala kaya naman muli silang napahinto upang makipag kwentuhan. Samantala, nanatiling nakasabit ang braso ni Valentina sa braso ni Nathaniel habang magkasama silang bumababa sa hagdan. Ang suot ni Valentina ay isang puting f

  • The Wife's Crushing Strike: You Rejected Me First, Remember?   Chapter 146

    Bago mag-alas-siyete ng gabi, naihatid na ni Arabella si Callie sa bahay nito. Ayaw pa sanang umuwi ni Callie at ilang beses pa itong kumaway kay Arabella bago tuluyang pumasok sa loob ng bahay. Nang makauwi sila Arabella at Joshua ay halos alas-otso na ng gabi. Pagpasok nila ng bahay, dumiretso sila sa sala. Nandoon din si Lhanze. Nasa byahe sila pauwi nang makatanggap ng tawag ang babae mula sa kuya niya, sinabi nito na nasa bahay nila si Lhanze. Kinabukasan ay pupunta ng manila ang magulang ni Lhanze, kaya ngayong araw ay pumunta siya sa bahay nila Arabella para sunduin si Quinn at ang anak nito. Pero hindi agad sila pinaalis ng mag-asawa hangga’t hindi sila kumakain ng hapunan. Bandang alas-tres pa lang ng hapon nang dumating si Lhanze sa bahay nila, at saka lang niya nalaman na wala pala roon si Arabella. “Professor.” magalang na bati ni Arabella. Bahagyang ngumiti si Lhanze bilang tugon, saka pinagmasdan ang dalawang sabay na dumating. Lumapit si Joshua sa sofa at kumporta

  • The Wife's Crushing Strike: You Rejected Me First, Remember?   Chapter 145

    Mabilis na binawi ni Nathaniel ang kanyang tingin sa dalawa at agad niyang pinasok ang kanyang sasakyan sa loob ng bahay. Samantala, minaneho naman ni Arabella ang kanyang sasakyan palabas ng village.Napatingin si Joshua sa babae, at marahang nagtanong. “Sa tingin mo ba, alam na niya kung sino ka?”Kalmadong nakatingin si Arabella sa daan. “Hindi ko alam, kung wala naman siyang sinabi isipin na lang nating wala pa rin siyang alam.”Kanina pa man, tila may hinala na si Irish tungkol sa kanya. Paano pa kaya si Nathaniel na matalino at mapagmasid. Mahal na mahal nito si Callie. At least, sa puso nito kapag pinagkumpara si Callie at Valentina walang duda na uunahin pa rin nito ang kanyang anak. Ngayon naman na siya ang gusto ng bata, hindi naman ito humahadlang. Para kay Arabella, sapat na makasama niya si Callie at magkaroon siya ng pagkakataong makita at alagaan ang bata sa mga susunod na araw. Hindi na nagtanong pa si Joshua, alam niyang alam ni Arabella ang ginagawa niya. “By t

  • The Wife's Crushing Strike: You Rejected Me First, Remember?   Chapter 144

    Hindi pa kailanman nakita ni Irish si Arabella noon, pero syempre alam niyang nagkaroon ng ganitong babae sa buhay ni Nathaniel. Alam niyang hindi ito gusto ng mga Monteverde, maging si Nathaniel ay ayaw din sa kanya. Dati iniisip niya na ang isang babaeng gumamit ng surrogate arrangement para lang makapasok sa isang mayamang pamilya ay tiyak na gagawin ang lahat para manatili sa tabi ni Nathaniel.Kahit gaano pa kasakit, malamang ay kakapit ito sa position nito bilang asawa ni Nathaniel. Pero ang hindi niya inaasahan na iba pala si Arabella, matapos nitong ipanganak ang nag-iisang anak na babae ng mga Monteverde agad siyang umalis. Maaari sana nitong gamitin ang bata para mas patatagin ang posisyon niya. Ngunit bigla na lamang siyang nawala ng parang bula, ni bakas ay hindi rin siya nag-iwan. Sa totoo lang, dahil doon ay hindi niya maiwasang magkaroon ng ibang tingin dito. Bahagyang tumawa ang kanyang asawa. “Baka tama nga ang pakiramdam ko.”Nanlaki ang mga mata ni Irish. “Kung

  • The Wife's Crushing Strike: You Rejected Me First, Remember?   Chapter 7

    Nang marinig ni Joyce ang mga sinabi ni Arabella ay bigla siyang tumayo at mariin na hinampas ang lamesa.“Arabella!” Ngunit wala nang pakialam ang babae rito, tuluyan na siyang tumalikod at umalis. Pag balik niya sa kanyang lamesa, inilabas niya ang kanyang pocket mirror at tiningnan ang maliit n

  • The Wife's Crushing Strike: You Rejected Me First, Remember?   Chapter 6

    “Tapusin mo ang financial analysis ng bagong project bago mag tanghalian.”Bumalik si Arabella sa kanyang mesa.Kahit inilipat siya sa sekretarya bilang isang ordinaryong empleyado, marami pa ring trabahong hindi naman sakop ng posisyon niya ang pinapagawa sa kanya ni Joyce. Wala naman siyang magaw

  • The Wife's Crushing Strike: You Rejected Me First, Remember?   Chapter 5

    Dahan-dahan binuksan ni Arabella ang pinto ng opisina ng kanyang professor.Nang iangat ni Lhanze ang kanyang ulo at makita ang babaeng nakatayo sa pintuan, natigilan siya. Halos hindi niya agad nakilala ang babaeng nasa harap niya.Nang magsalita ito, saka lamang niya ito nakilala.“Professor Lhan

  • The Wife's Crushing Strike: You Rejected Me First, Remember?   Chapter 4

    Hindi na muling nagsalita si Nathaniel pagkatapos noon. Nanatili itong nakapokus sa pagmamaneho, habang tahimik na umaandar ang sasakyan sa gitna ng mabigat na trapiko sa lungsod. Sa loob ng kotse, tanging mahinang ugong lamang ng aircon at tunog ng mga sasakyan sa labas ang maririnig.Tahimik na

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status