Nang marinig ni Joshua ang boses ng kanyang pamangkin, agad siyang napalingon. Nang makita nito ang mga kasama ng bata, bahagyang dumiling ang kanyang aura. Mabilis siyang lumapit sa mga ito, habang si Callie naman ay tumakbo papunta sa kanya. Agad siyang sinalubong ng lalaki at mabilis na binuhat. “Tito Pogi! Namiss po kita ng sobra, ang tagal po natin hindi nagkita.”Natuwa naman ang lalaki sa kanyang narinig. “Ako din Callie, sobra ka rin na-miss ni Tito Pogi.”Mahigpit itong yumakap sa kanyang Tito, nang makita ng bata si Lhanze tinawag niya rin ito habang kumakaway. “Hi Uncle Lhanze!”Ngumiti nang malumanay ang lalaki at bumati rin. “Hello Callie.”Lumapit din sina Nathaniel at Valentina sa dalawa, agad naman tiningnan ni Joshua ang kanyang pinsan. “Kuya,” bati niyo kay Nathaniel. Pinili niyang huwag pansinin ang babae sa tabi nito, agad din itong napansin ni Valentina at napasimangot na lang dahil sa inis. Alam naman niyang hindi siya gusto ni Joshua, kaya hindi na rin n
อ่านเพิ่มเติม