로그인ILANG BESES humugot ng malalim na buntong hininga si Nathan. Itinaas niya ang kanyang kamay para buksan ang pinto ng kwarto ni Kenna ngunit hindi niya alam kung paano niya ito haharapin pagkatapos ng mga nangyari. Napakagat labi siya at napapikit. Pero ganun pa man, kailangan niya itong harapin at kung anuman ang sabihin nito sa kaniya ay wala siyang magagawa kundi ang tanggapin ang lahat ng iyon dahil alam niya na kasalanan niya naman talaga.Dahan dahan niyang itinulak ang pinto. Nakita niya si Kenna na nakahiga sa kama. Hindi ito nakatingin sa kaniya kundi ito ay nakatagilid. Kahit na hindi niya makita ang buo nitong mukha ay alam niyang puno ito ng lungkot dahil sino ba namang hindi malulungkot kapag nawalan ka ng anak hinid ba?Umupo siya sa tabi nito. Sa likod nito dahil hinid niya alam kung gusto ba siya nitong makita pagkatapos ng ginawa niya. Hindi niya sinasadya ang lahat. Natakot siya na baka malaman nito ang totoo kaya siya nakipagkita kay MAndy at naniwala naman siya na
HALOS hindi matuloy ni Via ang pagpasok sa loob ng silid nang makita niya ang itsura ni Kenna ng mga oras na iyon. Walang kakulay kulay ang mukha nito at namumula ang mga mata nito dahil sa pag-iyak. Mabilis itong nagpunas ng pisngi pagpasok niya ngunit ang mga mata ay nasa pader nakatutok, para itong blangko.Dahan dahan siyang lumapit at umupo sa tabi nito. Hindi niya alam kung anong sasabihin niya para gumaan ang pakiramdam nito dahil tiyak na walang kasing sakit ang mawalan ng anak. Walang kasing sakit ang nararamdaman nito ng mga oras na iyon idagdag pa ang tungkol kay Nathan at sa babaeng iyon.“Kenna I…” napakagat labi siya. Halos hindi niya magawang ituloy ang gusto niyang sabihin. “I’m sorry…” sa huli ay nabigkas niya rin ang mga salitang iyon. Kahit na ilang beses pa siyang humingi ng tawad dito o kaya si Nathan ay tiyak na hindi na maibabalik pa ang buhay ng anak nito.Kitang-kita niya kung paano nanginig ang labi nito. Hindi ito nakatingin sa kaniya ngunit ramdam na ramdam
HINANG-hina si Kenna nang imulat niya ang kanyang mga mata. Kaagad na bumungad sa kaniya ang puting silid. Medyo nahihlo din siya ng mga oras na iyon ngunit higit sa lahat ay ramdam na ramdam niya pananakit sa bandang puson niya.Bigla siyang nag-aalala. Ano ba ang nangyari? At doon nga ay bumalik sa kaniya ang mga nangyari kanina. Ang mga nalaman niya tungkol kay Nathan at Mandy. Muling umahon ang sakit at galit sa knaiyang dibdib ng mga oras na iyon kasabay ng muling pag-iinit ng sulok ng kanyang mga mata.Gusto niyang bumangon ng mga oras na iyon kaya nga lang ay medyo nanghihina nga ang katawan niya kaya wala siyang lakas na gawin iyon. Hindi nagtagal ay bigla na lang bumukas ang pinto at pumasok mula doon ang isang babaeng doktor.Ang mga mata nito ay puno ng lungkot at pag-aalala dahilan para biglang kabahan siya. Habang lumalapit ito ay pabigat ng pabigat ang dibdib niya na para bang anumang oras ay may maririnig siyang hindi magandang balita. Nang tumigil ito sa harapan niya a
SOBRANG sakit ng ulo ni Nathan nang magising siya. Napahawak siya sa kanyang sentido. Pakiramdam niya ay parang mabibiyak ang ulo niya ng mga oras na iyon. Naramdaman niya ang kamay na nakapatong pa sa kaniya at mahigpit na nakayakap sa kaniya. Nang igala niya ang kanyang paningin sa loob ng silid ay kaagad na bumungad sa kaniya ang hindi pamilyar na kwarto. Kaagad na nagsalubong ang mga kilay niya. Nasaan siya? Hindi naman ito ang silid ni Kenna hindi ba?Muling bumaba ang tingin niya sa babaeng nakayakap pa rin sa kaniya noong mga oras na iyon. Tinitigan niya itong mabuti at doon, para siyang binuhusan ng malamig na tubig ng mga oras na iyon nang makilala niya ang babaeng nasa tabi niya at nakayakap sa kaniya, walang iba kundi si Mandy.Ang kanyang mga mata ay parang lalabas noong mga oras na iyon. Dali-dali siyang bumangon at lumayo dito at doon na parang gumuho ang mundo ni Nathan, they were naked! Like hell.Ang maputi at makinis nitong katawan ay puno ng mga pulang marka. Hindi
KANINA pa gising si Kenna. Hindi siya makatulog dahil kanina niya pa hinihintay ang pagdating ni Nathan kaya nga lang ay hindi pa rin ito dumarating hanggang sa mga oras na iyon. Napalingon siya sa orasan na nasa loob ng silid niya at nakita niyang mag-aalas does na ng madaling araw.Napa buntong hininga siya. Wala naman itong sinabi sa kaniya na male-late ito ng uwi. Napaka unusual lang dito na hindi ito nagpaalam sa kaniya na palagi naman nitong ginagawa. Palagi siya nitong ina-update kahit na hindi naman siya nagtatanong at ngayon nga ay wala itong sinasabi sa kaniya at hanggang sa mga oras na iyon ay wala pa rin ito.Napaisip siya kung nasa opisina pa rin ba ito sa mga oras na iyon. Kanina niya pa pilit na kinakalma ang sarili niya kaya nga lang ay hindi niya alam pero parang may kung anong gumugulo sa kaniya. Parang may kung anong nararamdaman siya na hindi niya maipaliwanag. Ilang malalalim na buntong hininga ang pinakawalan niya para lang kumalma ang nararamdaman niya. Ngunit
NAPUNO ng pagdadalawang isip si Nathan nang marinig niya ang sinabi ni Mandy. Hindi niya alam pero pakiramdam niya ay may something sa kaniya noong mga oras na iyon. Isa pa, masisiguro niya ba na nagsasabi ito ng totoo? Paano kung isang pakulo na naman nito iyon?Ngunit habang nagsasalita ito ay nakatitig siya sa mukha nit at base sa ekspresyon nito ay mukha naman itong nagsasabi ng totoo. Bukod pa doon ay halatang-halata din sa mukha nito ang labis na lungkot na para bang parang may kung anong naramdaman siya sa kanyang dibdib.Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya ng mga oras na iyon dahil sa naamoy niya. Hindi siya sigurado kung ano iyon pero…“What? Tatayo ka na lang ba talaga? Nangangawit na ang leeg ko kakatingala sayo.” muling sabi nito sa kaniya dahilan para maupo na rin siya sa wakas sa sofa na nasa harapan nito.Muli siyang napattig sa inooffer nitong wine. Nakita niya naman na binuksan nito iyon sa harapan niya pa mismo ngunit nagdadalawang isip pa rin siya. Paano k
NI hindi humiwalay ang batang babae kay Nathan habang nakasakay sila ng kotse. Tahimik lang itong nakaupo sa tabi niya. Hindi niya alam na ganito pala ito kakulit. Talagang ni ayaw nitong sundin ang Mommy nito na ikinangiti niya na lang. Hindi naman siya naiinis dito kahit na wala talaga siyang hil
MALALIM na ang gabi ngunit nananatiling dilat pa rin ang mga mata ni Kenna. Hindi pa rin siya dalawin ng antok dahil hanggang sa mga oras na iyon ay iniisip niya pa rin ang sinabi ng anak niya kanina. Hindi niya maiwasang hindi mapasulyap sa natutulog na anak. Tumagilid siya at hinaplos ang maliit
SEVEN YEARS LATERNapa buntong hininga si Kenna. Kauuwi niya lang galing sa hotel kung saan siya nagtatrabaho. Nagbihis siya sandali bago tuluyang sinulyapan ang kanyang suot na relo. Alas kwatro na ng hapon, tiyak na kanina pa naghihintay ang anak niya sa kaniya.Sumakay siya sa kanyang kotse at n
‘Pak!’ isang malutong na sampal ang dumapo sa pisngi ni Kenna. Napayuko siya at walang magawa kundi ang tiisin ang sakit na dulot nito.Nahuli siya ng kanyang ina na hawak ang isang pregnancy test kung saan ay positive ito, at oo, buntis siya. Buntis siya pero hindi niya kilala ang ama ng dinadala







