EKSAKTONG tatlong araw pagkatapos maaksidente ni Cassandra ay bumalik na siya sa training ngunit kahit na ganun ay pinagbawalan pa rin siyang magsanay ng sobra hanggang hindi pa ito lubusang gumagaling. Pero kahit na anong bawal sa kaniya ay hindi siya nagpatinag. Ganun katigas ang ulo niya. Kaya lang ay hindi talaga siyang pinayagan at naroon lang siya sa isang gilid, nakaupo habang pinapanood ng ibang mga riders na mag training kasama na doon syempre si Zade. tahimik lang niyang pinapanood ang mga ito, ang bawat galaw nito at hindi niya namamalayan hindi na niya maiiwas pa ang mga mata rito.Ngayon niya lang ito napanood na nakasakay sa kabayo mula sa ganung perspective. Palagi niya kasi itong kasama sa laban kaya hindi niya ito napapanood ng kagaya ng ginagawa niya ng mga oras na iyon. Ngunit biglang nag-iba ang ihiip ng hangin nang bigla na lang may isang matinis na boses ang umaliingawngaw sa arena.“Zade!” napalingon silang lahat sa pinanggalingan ng boses at kaagad nilang na
اقرأ المزيد