ANG katahimikan ni Zade ay sapat ng sagot para kay CAssandra. Hinid na niya kailangan pang marinig ang direkta nitong sagot. Mapait na ngumiti si Cassandra. Tumitig siya sa mga mata nito. Isang malaking kalokohan na magtiwala at maniwala na unti-unti ng nagbago ang relasyon nilang dalawa kahit pa sabihing hindi sila nag-umpisa bilang magkaibigan o ano pa. Pero naging isang team sila at naging partner sila pero baka hanggang doon lang iyon. Masyado lang talaga siyang nag expect sa mga mga bagay bagay.“I thought at least ikaw ay handang maniwala na hindi ko ginawa ang bagay na iyon but… I was wrong. How foolish am I to even think that?” parang piniga ang dibdib ni Cassandra pagkatapos niyang sabihin iyon.Samantala, bigla namang naging mabigat ang dibdib ni Zade. Gusto niyang ibuka ang bibig niya. Gusto niyang magpaliwanag na gusto niyang paniwalaan ito, na gusto niyang magtiwala dito na nagsasabi ito ng totoo pero bilang isang rider din, alam niya na ang mga tao ay hindi dapat pagkat
اقرأ المزيد