CHAPTER 42 MARAHANG umihip ang malamig na hangin habang magkatabing tumatakbo sina Ellie at Night sa makitid na daang patungo sa lumang training field. Hindi sila nag-uusap. Tanging ang magkakasabay na yabag ng dalawang kabayo ang pumupuno sa katahimikan ng paligid. Tak... tak... tak... Minsan, ito ang tunog na nagpapabilis sa tibok ng puso ni Cassandra. Ngayon, ito naman ang tunog na nagpapaalala sa kanya ng mga alaalang pilit niyang ibinaon sa limot. Marahan niyang hinaplos ang leeg ni Ellie. "Easy, girl..." Mahinahon ang kabayo. Para bang alam nitong hindi ito isang ordinaryong pagsakay. Habang nasa unahan si Zade, paminsan-minsan ay lumilingon ito upang tiyaking maayos lamang ang dalaga. Napansin niyang iba ang paraan ng pagsakay ni Cassandra. Mas kalmado. Mas banayad. Wala na ang agresibong rider na kilala niya noon. Noong nasa academy pa sila, si Cassandra ang klase ng rider na laging gustong mauna. Ngayon... Parang wala na siyang pakialam kung s
اقرأ المزيد