LOGINMakalipas ang dalawang araw, wala pa ring maayos na tulog si Vianna. Sa loob ng dalawang araw na iyon, para bang paulit-ulit na binubugbog ang isip niya ng mga alaala na pilit niyang gustong takasan ngunit ayaw siyang tantanan. Kapag ipinipikit niya ang kanyang mga mata, bumabalik ang eksenang nahuli niya sina Bryan at Nika sa kama. Bumabalik ang mga ungol ng dalawa na parang paulit-ulit na nananaksak sa dibdib niya. At kasunod noon ay ang gabing hindi niya inaasahang mangyayari sa kanila ni Azrael. Hindi niya kayang burahin sa isip niya ang gabing iyon. Ang paraan ng pagtitig sa kanya ng lalaki, ang init ng katawan nito, ang mga halik na ginantihan niya dahil sa sakit at kalasingan, at ang pulang mantsa sa bedsheet na tumambad sa kanya kinabukasan. Sa tuwing naaalala niya iyon, parang gusto niyang magtago sa kahihiyan at pagkalito dahil hindi niya alam kung ano ang dapat niyang maramdaman.
Mas lalo pa siyang hindi pinapatahimik ni Azrael. Sa loob ng dalawang araw na iyon, halos hindi tumigil ang cellphone niya sa pag-ring dahil sa sunod-sunod na tawag at messages nito. Tuwing sisilip siya sa screen, pangalan agad ng lalaki ang bumubungad sa kanya. Minsan tawag. Minsan message. Minsan parehong sunod-sunod. Pero kahit nanginginig ang dibdib niya sa tuwing nakikita ang pangalan nito, pinipilit niyang huwag pansinin. Hindi niya sinasagot. Hindi niya binabasa. Hindi niya kayang harapin si Azrael dahil hindi niya alam kung ano ang sasabihin nito at mas lalong hindi niya alam kung kaya ba niyang marinig iyon. Sa isip niya, mabuti pa si Azrael panay ang message at tawag sa kanya. Pero si Bryan, walang gaanon. At malamang, masaya na itong kasama si Nika. Sa mga oras na iyon, nakaupo si Vianna sa sala habang nakatitig sa cellphone niya nang muli na naman iyong umilaw. Azrael Calling… Napapikit siya nang mariin bago mabilis na pinatay ang tawag. Ilang segundo pa lang ang lumipas nang may pumasok na naman na message. [We need to talk] Napahigpit ang hawak niya sa cellphone bago niya iyon ibinagsak sa sofa na parang nakakapaso. Huminga siya nang malalim at pilit na pinakalma ang sarili. Ayaw niyang isipin si Azrael. Ayaw niyang marinig ang boses nito. Ayaw niyang maalala ang nangyari sa kanila. Hindi niya alam kung bakit parang mas magulo pa ang isip niya kapag si Azrael na ang pumapasok sa usapan. Pero bago pa siya tuluyang makapagpakalma, bigla niyang narinig ang doorbell. Kumunot ang noo niya dahil wala naman siyang inaasahang bisita. Dahan-dahan siyang tumayo at nagtungo sa pinto. Ngunit pagkapihit niya ng knob at pagbukas ng pinto, para bang biglang tumigil ang mundo niya. Nakatayo sa harap niya si Azrael. Naka-black long sleeves ito na bahagyang nakatiklop ang manggas habang seryoso ang mukha. Matalim ang mga mata nitong nakatutok sa kanya at kahit tahimik lamang itong nakatayo, dama ni Vianna ang kakaibang bigat ng presensya nito. Sa mga oras na iyon, para bang mas lumiit ang espasyo sa pagitan nila. Nanlaki ang mga mata ni Vianna habang napaatras ng kaunti. “Azrael...” halos mautal na sambit niya. Malamig ngunit kalmado ang mukha ni Azrael habang nakatingin sa kanya. “Hindi mo sinasagot ang tawag ko kaya nagpunta na ako dito. Nag-alala ako sa iyo. Sinabi rin sa akin ni Bryan na hiwalay na kayo. Nahuli mo na pala siyang niloloko ka." “Ano bang ginagawa mo rito?” tanong niya habang pilit pinapatigas ang dibdib. Hindi agad sumagot si Azrael. Sa halip ay ilang segundo itong tumitig sa kanya na para bang pinag-aaralan ang bawat ekspresyon sa mukha niya. “Kailangan nating mag-usap.” “Wala tayong dapat pag-usapan,” mabilis niyang sagot. “Mayroon tayong dapat pag-usapan," may diin nitong sabi. Napakagat-labi si Vianna. Naiinis siya dahil kahit simpleng salita lang ang lumalabas sa bibig ng lalaki ay parang mas lalong bumibilis ang tibok ng puso niya. “Azrael, umalis ka na. Hindi ko kailangang makipag-usap sa iyo." Pero hindi ito gumalaw. “Hindi ako aalis dito hangga’t hindi kita nakakausap.” Napapikit si Vianna ng mariin bago marahas na huminga. Ayaw niya ng eksena sa labas kaya napaatras siya at hinayaang makapasok ang lalaki. Mabilis na pumasok si Azrael sa loob ng bahay niya. Humarap si Vianna rito habang magkasalubong ang mga kilay. “Ano bang gusto mong sabihin?” Tinitigan siya ni Azrael nang diretso bago ito dahan-dahang nagsalita. “Una sa lahat, I’m sorry.” Agad na natigilan si Vianna. Hindi niya inaasahan na iyon agad ang unang lalabas sa bibig nito. Pero bago pa siya makapagsalita ay muli ng nagsalita si Azrael. “Sorry dahil sa nangyari sa atin. Gusto kong humingi ng sorry alam kong naiisip mong sinamantala ko ang pagiging lasing mo ng gabing iyon. Pero hindi ko lang talaga napigilan ang sarili ko." Pakiramdam ni Vianna at unti-unting naninikip ang dibdib niya. Ngunit nagulat siya sa sumunod na sinabi ni Azrael ang mas lalo niyang ikinagulat. “Pero hindi ako nagsisisi sa nangyari sa atin.” Parang napako si Vianna sa kinatatayuan niya. “Ano?” Hindi inalis ni Azrael ang tingin nito sa kanya. “Hindi ako nagsisising naging akin ka ng gabing iyon." Nanlaki ang mga mata ni Vianna. “Anong klaseng sagot iyan? Alam mo bang magulo ang isip ko sa nangyari tapos sasabihin mo sa akin na hindi ka nagsisisi?” “Dahil iyon ang totoo.” Napailing si Vianna habang nararamdaman niyang parang umiinit ang sulok ng mga mata niya. “Azrael, umalis ka na. Kung iyan lang pala ang sasabihin mo, lumayas ka na! Kasi ako, nagsisisi ako! Parang ang landi ko masyadong babae dahil basta mo na lang nakuha ang pinakaiingatan ko ng limang taon!" Pero muli itong nagsalita na parang hindi narinig ang sinabi niya. “Matagal na kitang gusto, Vianna.” Napanganga si Vianna sa gulat. Hindi siya agad nakapagsalita. Hindi niya alam kung tama ba ang narinig niya. Nanlalaki ang mga mata niyang nakatitig sa lalaki habang hindi makapaniwala. “A-Ano?” “Matagal na kitang gusto.” Parang nawalan ng lakas ang mga tuhod ni Vianna sa narinig niya. Hindi niya alam kung paano ipoproseso ang sinabi nito. Sa dami ng nangyari, sa dami ng sakit na nararamdaman niya, hindi niya inaasahang maririnig iyon mula sa lalaking ito. “Tama na, Azrael...” halos pabulong niyang sabi habang napapailing. "Alam kong ayaw mong maniwala pero iyon ang totoo. Naunahan lang ako ni Bryan." “Azrael…” “Siya na lang ba talaga ang gusto mong mahalin kahit niloko ka na niya? Vianna...ako na lang ang mahalin mo. Wala akong pakialam sa sasabihin ng pamilya namin." Napahinto si Vianna. Parang may kung anong bumara sa lalamunan niya. Muli siyang napatingin kay Azrael habang nanginginig ang labi niya. “Ano ba ang pinagsasabi mo, Azrael? Nababaliw ka na ba?x “Ako na lang ang mahalin mo. At oo, nababaliw na nga siguro ako. Dahil gusto kong mahalin ako ng ex-fiancée ng kapatid ko." “Tumigil ka sa kalokohan mo! Umalis ka na dito!" “Handa kong ibigay sa’yo ang lahat, Vianna.” Tuluyan ng napaiyak si Vianna. Naiiyak siya dahil sobrabg gulo na ng isip niya. “Tumigil ka na! Tama na! Gusto kong mapag-isa!” sigaw niya habang mabilis na pinupunasan ang luha niya. Umigting ang panga ni Azrael habang nakatingin sa kanya. “Hindi ko alam kung bakit mo ito sinasabi ngayon pero ayoko munang makita ang kahit na sino sa inyo! Lubayan niyo ako! Tantanan niyo akong lahat!" “Vianna-" “Layas!" Nanlaki ang mga mata ni Azrael bago napalunok ng laway. “Please… umalis ka na…” mahinahong wika ni Vianna habang patuloy na umiiyak. Nanatiling nakatitig si Azrael kay Vianna at may kung anong sakit na gumuhit sa mukha nito. Hindi na ito nagsalita pa. Sa halip, tahimik itong naglakad palabas ng bahay. At sa sandaling nagsara ang pinto…parang biglang nawala ang natitirang lakas ni Vianna. Napaupo siya sa sahig habang yakap ang sarili at tuluyan ng humagulgol. DALAWANG LINGGO ang mabilis na lumipas. Napahawak si Vianna sa ulo niya. Ilang araw na rin siyang nahihilo at nasusuka. Nagtataka siya kung bakit ganoon ang nararamdaman niya. "Ano? Okay ka lang ba? Magpahinga ka na muna," nag-aalalang sabi ni Sheena. Mabilis siyang umiling. "Hindi...ayos lang ako. Huwag mo akong alalahanin. Mas gusto ko pang mag-focus sa business ko kaysa magmukmok sa bahay. Mas lalo lang akong malulungkot." "Ang kapal din talaga ng ex-fiancée mo no? Talagang wala ng paramdam simula nang hiwalayan mo! Hindi ko sinasabing magkabakikan kayo pero di ba? Wala man lang sorry. Talagang parang sinabi na niyang niloko ka talaga niya. Na parang nakahinga pa siya ng maluwag kasi nahuli mo na sila. At dahil doon, malaya na sila..." Napakagat-labi si Vianna bago napapikit. Hindi na niya maintindihan ang sinasabi ni Sheena dahil iba na ang sakit ng ulo niya. Kung kaya naman hapon pa lang, umuwi na siya sa kanyang bahay. Uminom siya ng maraming tubig at nakatulog. Nagulat pa nga siya nang magising siya dahil umaga na. Ngayon na lang ulit siya nakatulog ng ganoon kahaba at tuloy-tuloy. Pagbangon niya sa kama, biglang umikot na naman ang paningin niya. "Shït, ano ba ito? Bakit ba ako nagkakaganito? Ano ba ang nangyayari sa akin?" Pinilit niyang bumangon at saka dumiretso sa banyo. Balak niya lang sanang maghilamos pero biglang bumaliktad ang sikmura niya. Hinang-hina siyang nagmumog at napatingin sa salamin. At habang nakatingin siya sa salamin...biglang may pumasok sa isipan niya. "Hi-Hindi... imposibleng mangyari iyon. Isang beses lang iyon..." wika niya habang nakatingin sa salamin. Para mapakalma ang sarili, nagtungo siya sa botika at saka bumili ng pregnancy test. Tatlong pregnancy test ang binili niya para makasigurado. Nanginginig ang kamay niyang nagmaneho pauwi. Dali-dali siyang pumasok sa banyo at saka iyon ginamit. Habang hinihintay ang resulta, labis na kaba ang nadarama niya. At nang makita niya ang resulta, biglang gumuho ang mundo niya. Dalawang pulang guhit. Buntis siya. "Hin....hindi..... hindi puwede ito! Hindi..." garalgal ang boses niyang sabi habang umiiyak.VIANNAMakalipas ang ilang araw mula nang huli kong makita si Azrael, naging abala ako sa mga ginagawa ko sa negosyo. Hindi ko na rin masyadong pinag-isipan ang mga pangungulit niya dahil ayoko nang bigyan ng malaking bagay ang bawat ginagawa niya. Mas mabuti na lang sigurong hayaan ko siyang magsawa kaysa patulan ko pa ang bawat salita at kilos niya.Noong araw na iyon ay nasa office ako at abala sa pag-check ng mga bagong designs para sa susunod naming collection nang biglang bumukas ang pinto. Hindi na ako nag-abala pang tumingin dahil alam kong si Sheena lang naman ang taong kayang pumasok sa office ko nang hindi man lang kumakatok."Vianna, may sasabihin ako sa iyo pero huwag kang magalit dahil maganda naman ang balita. Dumating na raw si Richard kaninang umaga at tinawagan niya ako para sabihin na gusto ka niyang makita."Agad akong napatingin sa kanya bago ko ibinaba ang hawak kong folder."Talaga? Akala ko bukas pa siya darating. Mabuti naman at nandito na siya dahil kailangan
NIKAHalos kumukulo ang dugo ko habang nagmamaneho pauwi. Hanggang ngayon ay paulit-ulit pa ring bumabalik sa isip ko ang bawat salitang binitiwan ni Vianna. Hindi ko matanggap na pagkatapos ng limang taon, ang yabang na niya masyado at nakakapagsalita na sa akin ang ganoon. Mas lalong nakakainis dahil wala akong naibalik na matinong sagot. Para akong natameme sa harap niya at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mapatawad ang sarili ko dahil doon."Bruha ang babaeng iyon! Ang yabang-yabang na niya ngayon!" inis kong sabi habang mariing hinahawakan ang manibela.Hindi nagtagal ay nakarating ako sa condo unit namin ni Bryan. Pagkapasok ko pa lang sa loob ay agad kong nakita ang nobyo kong nakaupo sa sala habang nakatutok sa laptop nito. Mukhang may inaasikasong trabaho at ni hindi man lang niya ako nilingon.Isinara ko ng medyo malakas ang pinto kaya napatingin siya sa akin."Bakit? Ano na naman ang nangyari?" kalmado niyang tanong.Mabilis akong lumapit at ibinagsak ang handbag ko sa so
VIANNADumating din ang araw na napag-usapan namin ni mama ilang araw na ang nakalipas. Maaga pa lang ay nagising na ako para maghanda. Hindi ko alam kung bakit parang kinakabahan ako gayong limang taon lang naman akong hindi nakauwi sa bahay nila. Siguro dahil alam kong hindi lang si Mama ang makikita ko roon. Posible ring magkita kami ni Nika, at sa totoo lang, iyon ang huling taong gusto kong makita sa buong araw na iyon.Pagkababa ko ng hagdan ay agad akong sinalubong ni Sheena."Oh, ready ka na? Sigurado ka bang gusto mong pumunta? Baka mamaya imbes na kumain kayo ng tanghalian, magsabunutan lang kayong magkapatid."Hindi ko mapigilang matawa sa sinabi niya. Pasaway talaga ang kaibigan kong ito kahit kailan. Pero handa naman akong makita ang bruha kong half sister. "Hindi ako makikipagsabunutan sa babaeng iyon. Masisira lang ang buhok ko.""Pero baka siya ang unang mang-asar.""Hayaan mo siya. Wala na akong dapat patunayan sa kanya. At isa pa ano ba siya ngayon? Wala naman siyan
VIANNAMakalipas ang ilang araw, naging tahimik ang lahat. Wala akong nakitang anino ni Azrael at wala rin itong biglaang pagsulpot sa opisina o sa mga branch ng negosyo ko. Sa totoo lang, dapat ay matuwa ako dahil iyon naman talaga ang gusto ko noon pa man. Pero habang tumatagal ang katahimikan, hindi ko rin maintindihan kung bakit paminsan-minsan ay hinahanap ng mga mata ko ang makapal na mukha ng lalaking iyon. Madalas pa nga akong napapalinga-linga at umaasang bigla siyang lilitaw."Ano ba itong ginagawa mo, Vianna? Nababaliw ka na ba?" mahina kong bulong sa sarili bago tuluyang sumakay sa sasakyan.Pagkatapos ng meeting ko ng araw na iyon ay dumiretso na ako sa parking lot. Paglabas ko ng elevator ay agad kong nakita ang isang pamilyar na lalaki na nakasandal sa itim nitong sasakyan habang nakahalukipkip at nakatingin sa direksiyon ko. Nang magtama ang mga mata namin ay agad itong ngumiti.Napabuntong-hininga na lang ako. Nandito na naman siya pero ewan ko ba, may parte sa akin
VIANNA“Ano bang kabaliwan ang pinagsasabi mo, Azrael?! Kung nandito ka lang para manyakin ako, umalis ka na! Manyakis kang hinayupak ka!” nanlalaki ang matang sigaw ko sa kanya.Pero tinawanan niya lamang ako at mapang-akit na tiningnan. “Guwapong manyakis?”“Ay ang kapal din naman talaga ng pagmumukha mo! Bakit ang taas naman masyado ng tingin mo sa sarili mo? Umalis ka na nga lang dito kung wala kang magandang gagawin dahil nabubwisit lang ako sa pagmumukha mo!”“Galit na galit ka naman masyado sa akin eh gusto lang naman kitang makasama at makita? Alam mo ba nung gabing natikman ko ang matambok mong tahong ay hindi na kita makalimutan? Kagabi nga sininghot ko nang sininghot ang panty mo.”Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya kasabay ng pag-iinit ng katawan ko. Ano ba ang nangyayari sa akin? Bakit parang bigla akong nakaramdam ng l1bog? Nasanay na akong walang ganitong pakiramdam at sa loob iyon ng limang taon. Hindi kaya nahawa ako sa kamanyakan ng lalaking ito?“Umalis ka na
AZRAELHindi ko na matandaan kung kailan ang huling beses na pumasok akong nakangiti sa opisina. Simula nang mawala si Vianna limang taon na ang nakalipas, halos puro trabaho na lang ang inatupag ko. Maaga akong pumapasok at gabi na kung umuwi. Lumago nang husto ang kumpanya namin at lalo pang dumami ang mga proyekto sa loob at labas ng bansa. Bilang CEO ng Villanueva Holdings Corporation, wala halos lumilipas na araw na hindi ako abala sa mga meeting, contracts at iba't ibang negosyo. Pero ngayon, kahit tambak ang mga dokumentong nasa mesa ko, wala ni isa ang kayang burahin ang ngiti sa labi ko.Pakiramdam ko ay gumaan ang lahat matapos kong makita ulit si Vianna. Limang taon ko siyang hinanap. Limang taon akong umasa na balang araw ay magkikita rin kami. At ngayong nangyari na iyon, parang ayoko na siyang pakawalan pa. Kahit ilang beses niya pa akong tarayan o itaboy, wala na akong balak lumayo.Naputol ang pag-iisip ko nang marinig kong bumukas ang pinto ng opisina ko."Kuya."Pag-
Pagsapit ng gabi, hindi pa rin mapakali si Vianna sa loob ng bahay niya. Ilang oras na ang lumipas mula nang makita niya ang dalawang pulang guhit sa pregnancy test pero hanggang sa mga oras na iyon, hindi pa rin niya matanggap ang katotohanan. Pakiramdam niya ay parang may kung anong mabigat na n
Pagdating sa bahay ay diretso siyang pumasok sa loob at agad isinara ang pinto. Nang makapasok siya ay parang biglang nawala ang natitira niyang lakas. Napasandal siya sa pinto bago dahan-dahang napaupo sa sahig habang yakap ang sarili. Doon niya tuluyang pinakawalan ang luhang kanina pa gustong ru
VIANNA Hindi alam ni Vianna kung ano ang pumasok sa utak niya sa mga oras na iyon. Basta ang gusto niya lang, makalimutan ang sakit na nararamdaman niya. Kaya naman niyakap niya ng mahigpit si Azrael habang patuloy ang pagtugon sa mainit nitong halik. Sumisigaw ang isip niya at sinasabing huwag ni
VIANNA MONTERO "Grabe! Ikakasal ka na talaga!" wika ng kaibigan niyang si Sheena. Napangiti si Vianna habang nakatingin sa singsing na nasa kanyang kamay. Limang taon na silang magkasintahan ni Bryan. Sa loob ng mga panahong iyon, wala naman siyang naging problema sa pagsasama nila. Maayos nam







