Mag-log inPagdating sa bahay ay diretso siyang pumasok sa loob at agad isinara ang pinto. Nang makapasok siya ay parang biglang nawala ang natitira niyang lakas. Napasandal siya sa pinto bago dahan-dahang napaupo sa sahig habang yakap ang sarili. Doon niya tuluyang pinakawalan ang luhang kanina pa gustong rumagasa. Tahimik siyang umiyak habang nanginginig ang balikat niya. Hindi niya lubos maisip kung paano siya niloko ng mga taong pinakamamahal niya. Si Bryan na limang taon niyang minahal. Si Nika na itinuring niyang tunay na kapatid kahit half-sister lamang sila.
Pareho siyang pinagtaksilan. Pareho siyang ginawang tanga. "Paano niyo nagawa sa akin ito?" Napakagat-labi siya habang pinupunasan ang luha niya. Hindi. Hindi puwedeng ganito lang. Hindi puwedeng iiyak lang siya habang ang dalawang iyon ay baka masaya pa sa ginawa nila. Unti-unti siyang tumayo at nagtungo sa banyo. Doon niya hinubad ang suot niyang damit at tumayo sa ilalim ng shower. Habang umaagos ang malamig na tubig sa katawan niya ay para bang sinusubukan niyang hugasan ang lahat ng nangyari kagabi. Pero hindi niya mahugasan ang sakit. Hindi niya mahugasan ang pagtataksil ng dalawang taong pinagkatiwalaan niya. At lalong hindi niya mahugasan ang alaala ng gabing nangyari sa kanila ni Azrael. Pagkatapos niyang maligo ay nagbihis siya ng simpleng damit at naupo sa sala habang hawak ang cellphone niya. Nakatingin lang siya sa screen habang mariing kumakabog ang dibdib niya. Dati, kapag nasasaktan siya, si Bryan ang una niyang tinatawagan.. Pero ngayon… si Bryan ang dahilan kung bakit siya nasasaktan ng sobra.. Mabagal niyang pinindot ang pangalan nito. Ilang ring pa lang ay agad na sinagot iyon ng binata. “Baby? Nasaan ka? Kagabi pa kita hinahanap! Bakit hindi ka um-attend ng engagement party natin kagabi? Saan ka ba nagpunta?" wika ni Bryan sa kabilang linya. Napapikit si Vianna nang marinig ang boses nitong puno ng pagpapanggap. Napagtanto niyang napakahusay pala talagang magpanggap ng kanyang fiancê. 'Hinahanap niya pala ako? Hindi ko, alam ha? Ano iyon? Bago siya pupunta sa engagement party namin, nakipag-séx muna siya kay Nika? Ang kapal ng pagmumukha!' sigaw niya sa isipan. Malamig ang ekspresyon niyang tumitig sa kawalan bago siya nagsalita. “Talaga? Nag-aalala ka? Hinahanap mo talaga ako kagabi? Bakit parang hindi naman?" Sandaling natahimik si Bryan sa kabilang linya. “Of course! Ano bang tanong iyan? Vianna, are you okay? Bakit parang kakaiba ka ngayon?" Sarkastikong natawa si Vianna. Sa mga oras na iyon, parang gusto niyang lamutakin ang pagmumukha ni Bryan. Parang gusto niyang sampalin ito ng napakaraming beses. “Kasama mo ba si Nika?” Muling natahimik ang kanyang fiancê sa kabilang linya “Ha? Bakit mo hinahanap si Nika?” Mariing kumuyom ang kamao ni Vianna. 'Sinungaling... nagkukunwari pa talaga siyang hindi niya ito kasama. Kahit na alam kong magkasama talaga siya.' “Okay fine, tatawagan ko siga. Gusto ko kayong makita.” “Ha? Bakit? Vianna, what do you mean-" “Gusto kong makita kayong dalawa. Ngayon mismo." Naputol ang sasabihin ng lalaki dahil sa lamig ng boses niya. Sandaling katahimikan ang namagitan sa kanila bago ito muling nagsalita. “Sige… saan?” Nagbigay si Vianna ng lugar at saka pinatay ang tawag. Hindi pa man siya nakakahinga ng maayos ay agad naman niyang tinawagan si Nika. Mabilis din iyong sumagot. “Ate? Oh my God! Kagabi pa kita hinahanap! Nasaan ka? Nag-aalala ako sa iyo! Super worried ako sa iyo dahil wala ka kagabi! Saan ka ba galing? Engagement party mo tapos wala ka?" Napapikit si Vianna ng mariin. Parang sasabog siya sa galit sa mga oras na iyon dahil sa husay nitong umarte Parehong magaling magpanggap na parang walang ginawang masama sa kanya. “Magkita tayo ngayon." “Ha? Bakit? May problema ba?” “Pumunta ka na lang. Ime-message ko sa iyo ang lugar na pupuntahan natin." Pagkatapos noon ay pinatay na niya ang tawag. Mabilis siyang nagtipa sa lugar na pagkikitaan nila. Pagkatapos, naupo sa sofa habang nakatitig sa kawalan. Hindi na siya umiiyak ngayon. Wala na ang nanginginig na babaeng durog na durog kagabi. Sa isip niya, hindi kawalan ang limang taong pagsasama nila dahil niloko siya nito. At hindi niya kailangang manghinayang sa wala namang kwentang lalaki. . Lumipas ang ilang oras bago siya tuluyang umalis ng bahay at nagtungo sa lugar na napagkasunduan nila. Isang private café iyon na madalas nilang puntahan noon. Noong panahong akala niya ay masaya ang relasyon nila. Pagdating niya roon ay agad siyang naupo sa isang mesa sa sulok. Kalmado lang siya habang hinihintay ang dalawa. Ilang minuto pa ang lumipas bago niya nakita sina Bryan at Nika na magkasabay na pumasok sa café. Bakas sa mukha ng dalawa na tila ba balisa. Huminto ang dalawa nang makita siya. Mabilis na lumapit si Bryan sa kanya bago siya niyakap ng mahigpit. “Baby, thank God! Kanina pa kita hinahanap! Ano bang nangyari sa iyo? Bakit wala ka man lang pasabi? Hindi mo alam kung gaano ako nag-alala sa iyo. Kung sino-sino na ang tinawagan ko para hanapin ka. Dalawa kami ni Nika na nagtulungang hanapin ka," nagkukunwaring concern na sabi ni Bryan. Kasunod nito si Nika na kunwaring nag-aalala rin. “Ate, bakit ka umalis? Kinabahan kami sa’yo!” "Oo nga ate! Saan ka ba nagpunta? Hindi ka rin namin ma-contact kagabi!" Asar siyang natawa. "Talaga? Hinahanap niyo ako? At talagang nagtulungan pa kayo?" Makahulugang nagkatitigan ang dalawa bago tumango. "Yes, baby. Bakit ka ba nagkakaganiyan? Ano ba ang nangyayari sa iyo? Simula tinawagan mo ako kanina, parang may iba talaga sa iyo ngayon." Walang emosyon niyang tiningnan si Bryan bago ngumisi. "Ikaw ba? Wala ka bang kakaibang ginagawa?" Napakurap si Bryan kasabay ng pagkununot ng noo nito. "Ha? A-Ano bang klaseng tanong iyan?" Mahinang natawa si Vianna bago salitang tiningnan ang dalawa. At pagkatapos naging matalim ang kanyang tingin sa mga ito. "Naging mabait ako sa inyong dalawa pero anong ginawa niyo? Niloko niyo ako! Mga baboy! Hinanap kita kagabi dahil ang tagal mo! Nagpaalam ka na nagpatulong si Nika pero iba pala ang ginawa niyo! Nagpatulong saan? Na kamutin ang kakatihan niya?" Kapwa nagulat ang dalawa sa sinabi niya. Binaling niya ang tingin niya kay Nika bago ito malakas na sinampal. "At ikaw?! Naging mabuting kapatid ako sa iyo tapos ito lang ang isusukli mo?! Ano? Masarap ba ang fiancé ko? Masarap ba? Napakalandi mong babae ka! Wala kang kasing kati!" Wala ng pakialam pa si Vianna kung pagtinganan sila ng mga tao doon. Nagsimula ng umiyak si Nika habang si Bryan naman ay hindi na alam ang gagawin. Matalim niyang tiningnan ang lalaki pero pinilit niyang maging kalmado. "At ikaw...minahal kita sa loob ng limang taon tapos ganoon lang ang isusukli mo? Fine. Magsama kayong dalawa Simula sa araw na ito, tapos na tayo Bryan." Bago tuluyang umalis si Vianna, isang malakas na suntok muna ang ginawad niya sa mukha ni Bryan sabay lakad ng mabilis palayo.VIANNAMakalipas ang ilang araw mula nang huli kong makita si Azrael, naging abala ako sa mga ginagawa ko sa negosyo. Hindi ko na rin masyadong pinag-isipan ang mga pangungulit niya dahil ayoko nang bigyan ng malaking bagay ang bawat ginagawa niya. Mas mabuti na lang sigurong hayaan ko siyang magsawa kaysa patulan ko pa ang bawat salita at kilos niya.Noong araw na iyon ay nasa office ako at abala sa pag-check ng mga bagong designs para sa susunod naming collection nang biglang bumukas ang pinto. Hindi na ako nag-abala pang tumingin dahil alam kong si Sheena lang naman ang taong kayang pumasok sa office ko nang hindi man lang kumakatok."Vianna, may sasabihin ako sa iyo pero huwag kang magalit dahil maganda naman ang balita. Dumating na raw si Richard kaninang umaga at tinawagan niya ako para sabihin na gusto ka niyang makita."Agad akong napatingin sa kanya bago ko ibinaba ang hawak kong folder."Talaga? Akala ko bukas pa siya darating. Mabuti naman at nandito na siya dahil kailangan
NIKAHalos kumukulo ang dugo ko habang nagmamaneho pauwi. Hanggang ngayon ay paulit-ulit pa ring bumabalik sa isip ko ang bawat salitang binitiwan ni Vianna. Hindi ko matanggap na pagkatapos ng limang taon, ang yabang na niya masyado at nakakapagsalita na sa akin ang ganoon. Mas lalong nakakainis dahil wala akong naibalik na matinong sagot. Para akong natameme sa harap niya at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mapatawad ang sarili ko dahil doon."Bruha ang babaeng iyon! Ang yabang-yabang na niya ngayon!" inis kong sabi habang mariing hinahawakan ang manibela.Hindi nagtagal ay nakarating ako sa condo unit namin ni Bryan. Pagkapasok ko pa lang sa loob ay agad kong nakita ang nobyo kong nakaupo sa sala habang nakatutok sa laptop nito. Mukhang may inaasikasong trabaho at ni hindi man lang niya ako nilingon.Isinara ko ng medyo malakas ang pinto kaya napatingin siya sa akin."Bakit? Ano na naman ang nangyari?" kalmado niyang tanong.Mabilis akong lumapit at ibinagsak ang handbag ko sa so
VIANNADumating din ang araw na napag-usapan namin ni mama ilang araw na ang nakalipas. Maaga pa lang ay nagising na ako para maghanda. Hindi ko alam kung bakit parang kinakabahan ako gayong limang taon lang naman akong hindi nakauwi sa bahay nila. Siguro dahil alam kong hindi lang si Mama ang makikita ko roon. Posible ring magkita kami ni Nika, at sa totoo lang, iyon ang huling taong gusto kong makita sa buong araw na iyon.Pagkababa ko ng hagdan ay agad akong sinalubong ni Sheena."Oh, ready ka na? Sigurado ka bang gusto mong pumunta? Baka mamaya imbes na kumain kayo ng tanghalian, magsabunutan lang kayong magkapatid."Hindi ko mapigilang matawa sa sinabi niya. Pasaway talaga ang kaibigan kong ito kahit kailan. Pero handa naman akong makita ang bruha kong half sister. "Hindi ako makikipagsabunutan sa babaeng iyon. Masisira lang ang buhok ko.""Pero baka siya ang unang mang-asar.""Hayaan mo siya. Wala na akong dapat patunayan sa kanya. At isa pa ano ba siya ngayon? Wala naman siyan
VIANNAMakalipas ang ilang araw, naging tahimik ang lahat. Wala akong nakitang anino ni Azrael at wala rin itong biglaang pagsulpot sa opisina o sa mga branch ng negosyo ko. Sa totoo lang, dapat ay matuwa ako dahil iyon naman talaga ang gusto ko noon pa man. Pero habang tumatagal ang katahimikan, hindi ko rin maintindihan kung bakit paminsan-minsan ay hinahanap ng mga mata ko ang makapal na mukha ng lalaking iyon. Madalas pa nga akong napapalinga-linga at umaasang bigla siyang lilitaw."Ano ba itong ginagawa mo, Vianna? Nababaliw ka na ba?" mahina kong bulong sa sarili bago tuluyang sumakay sa sasakyan.Pagkatapos ng meeting ko ng araw na iyon ay dumiretso na ako sa parking lot. Paglabas ko ng elevator ay agad kong nakita ang isang pamilyar na lalaki na nakasandal sa itim nitong sasakyan habang nakahalukipkip at nakatingin sa direksiyon ko. Nang magtama ang mga mata namin ay agad itong ngumiti.Napabuntong-hininga na lang ako. Nandito na naman siya pero ewan ko ba, may parte sa akin
VIANNA“Ano bang kabaliwan ang pinagsasabi mo, Azrael?! Kung nandito ka lang para manyakin ako, umalis ka na! Manyakis kang hinayupak ka!” nanlalaki ang matang sigaw ko sa kanya.Pero tinawanan niya lamang ako at mapang-akit na tiningnan. “Guwapong manyakis?”“Ay ang kapal din naman talaga ng pagmumukha mo! Bakit ang taas naman masyado ng tingin mo sa sarili mo? Umalis ka na nga lang dito kung wala kang magandang gagawin dahil nabubwisit lang ako sa pagmumukha mo!”“Galit na galit ka naman masyado sa akin eh gusto lang naman kitang makasama at makita? Alam mo ba nung gabing natikman ko ang matambok mong tahong ay hindi na kita makalimutan? Kagabi nga sininghot ko nang sininghot ang panty mo.”Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya kasabay ng pag-iinit ng katawan ko. Ano ba ang nangyayari sa akin? Bakit parang bigla akong nakaramdam ng l1bog? Nasanay na akong walang ganitong pakiramdam at sa loob iyon ng limang taon. Hindi kaya nahawa ako sa kamanyakan ng lalaking ito?“Umalis ka na
AZRAELHindi ko na matandaan kung kailan ang huling beses na pumasok akong nakangiti sa opisina. Simula nang mawala si Vianna limang taon na ang nakalipas, halos puro trabaho na lang ang inatupag ko. Maaga akong pumapasok at gabi na kung umuwi. Lumago nang husto ang kumpanya namin at lalo pang dumami ang mga proyekto sa loob at labas ng bansa. Bilang CEO ng Villanueva Holdings Corporation, wala halos lumilipas na araw na hindi ako abala sa mga meeting, contracts at iba't ibang negosyo. Pero ngayon, kahit tambak ang mga dokumentong nasa mesa ko, wala ni isa ang kayang burahin ang ngiti sa labi ko.Pakiramdam ko ay gumaan ang lahat matapos kong makita ulit si Vianna. Limang taon ko siyang hinanap. Limang taon akong umasa na balang araw ay magkikita rin kami. At ngayong nangyari na iyon, parang ayoko na siyang pakawalan pa. Kahit ilang beses niya pa akong tarayan o itaboy, wala na akong balak lumayo.Naputol ang pag-iisip ko nang marinig kong bumukas ang pinto ng opisina ko."Kuya."Pag-
Pagsapit ng gabi, hindi pa rin mapakali si Vianna sa loob ng bahay niya. Ilang oras na ang lumipas mula nang makita niya ang dalawang pulang guhit sa pregnancy test pero hanggang sa mga oras na iyon, hindi pa rin niya matanggap ang katotohanan. Pakiramdam niya ay parang may kung anong mabigat na n
Makalipas ang dalawang araw, wala pa ring maayos na tulog si Vianna. Sa loob ng dalawang araw na iyon, para bang paulit-ulit na binubugbog ang isip niya ng mga alaala na pilit niyang gustong takasan ngunit ayaw siyang tantanan. Kapag ipinipikit niya ang kanyang mga mata, bumabalik ang eksenang nahu
VIANNA Hindi alam ni Vianna kung ano ang pumasok sa utak niya sa mga oras na iyon. Basta ang gusto niya lang, makalimutan ang sakit na nararamdaman niya. Kaya naman niyakap niya ng mahigpit si Azrael habang patuloy ang pagtugon sa mainit nitong halik. Sumisigaw ang isip niya at sinasabing huwag ni
VIANNA MONTERO "Grabe! Ikakasal ka na talaga!" wika ng kaibigan niyang si Sheena. Napangiti si Vianna habang nakatingin sa singsing na nasa kanyang kamay. Limang taon na silang magkasintahan ni Bryan. Sa loob ng mga panahong iyon, wala naman siyang naging problema sa pagsasama nila. Maayos nam







