Rhenan POVHabang kumakain kami ng ice cream sa isang cozy café malapit sa park, nakatitig ako sa pamilya ko. Si Aaliyah, na may guhit pa ng tsokolate sa paligid ng kaniyang labi, ay masayang nakikipagpalitan ng kuwento kay Rhenfield habang iginuguhit nito ang fountain sa kaniyang sketchpad. Si Alex naman ay nakangiting nakatitig sa kanila, bakas sa kaniyang mga mata ang pambihirang kapanatagan.Kumuha ako ng tissue at maingat na pinunasan ang mukha ng aming bunso."Dad, pupunta rin ba tayo sa Manila Bay para panoorin ang sunset?" tanong ni Rhenfield habang nakatingala sa akin, may hawak na camera. "Sabi po kasi ni Mommy, maganda raw po ang tanawin doon kapag hapon.""Oo naman, Champ," sagot ko sabay gulo sa kaniyang buhok. "Pinangako ko sa inyo 'di ba? Kahit saan niyo gustong pumunta ngayong araw, pupuntahan natin."Nang mag-agaw ang dilim at liwanag sa kalangitan, naglakad-lakad kami sa baywalk. Ang malamig na simoy ng hangin mula sa dagat ay nagdala ng panibagong ginhawa sa am
Baca selengkapnya