Napaatras ako nang bahagya, hindi makapaniwala sa narinig ko mula sa lalaking nasa harap ko. Marry him? Nababaliw na ba siya? “Kasal?!” nanginginig ang boses na pag-uulit ko. Halos mapasinghap si Kaito sa tabi ko habang ang mga kaibigan naman ni Carter ay tahimik lang na nakasandal sa kani-kanilang upuan, walang bakas ng gulat sa kanilang mga mukha na tila ba alam na nila ang planong ito ng kanilang kaibigan. “Sinasamantala mo ba ang sitwasyon ko ngayon, Carter? May balak ka bang talagang sirain ang karera ko, para ngayon ay alukin mo ako ng kasal para maging tagapagligtas ko?!” “I told you, hindi ako ang nag-leak ng balitang ’yan, Adelina,” malamig at walang kaabog-abog na sagot ni Carter habang dahan-dahang umaayos ng tayo. “At kung iniisip mong sinasamantala ko ito, isipin mo ang mas mabilis na solusyon. Kung magpapakasal ka sa akin, ang isyung ‘prostitution’ at ‘surrogate contract’ na pinagkakaguluhan sa labas ay mawawalan ng bisa. Ang magiging dating sa publiko, ang lumang
Read more