Share

Chapter 56

Author: Kulalaiii
last update publish date: 2026-07-14 19:17:02

Kahit na nakainom ako, hindi pa rin ako nakatulog nang maayos kagabi dahil sa halo-halong mga isiping pilit na sumasayaw sa aking utak. Kaya naman pagpasok ko sa studio para sa isang casual meeting tungkol sa natitira ko pang mga proyekto, mabilis na napatingin sa akin ang lahat na naroon. Marahil dahil ito sa kapansin-pansing itim na bilog sa ilalim ng mga mata ko.

“Natulog ka ba, Adelina?” pag-aalalang bungad sa akin ni Kaito.

Umupo ako sa tabi niya, at mabilis naman akong iniabutan ng ma
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Contract: Beginning of His Obsession    Chapter 57

    “Five years ago, the contract of the rising model and the billionaire tycoon…” Nanghihinang binasa ni Kaito ang headline habang nakatitig sa screen ng kanyang tablet. Halos marinig ko ang sarili kong tibok ng puso sa sobrang bilis nito. “Si Adelina Sanchez na mabilis na sumikat sa larangan ng modeling ay nagkaroon ng kontrata kay Carter Vergara. Ang kontratang mayroon sila nang nakalipas na limang taon ay bilang surrogate mother sa magiging tagapagmana ni Carter. Ngunit hindi iyon dadaan sa siyensiya na madalas na alam natin, dahil ang nasa kasunduan nila ay ibibigay ni Adelina ang katawan niya kay Carter upang makabuo sila ng tagapagmana,” pagpapatuloy ni Kaito sa pagbabasa. Paano nalaman ng media ang tungkol sa nakaraan namin ni Carter? Limang taon na ang nakalipas, at pilit ko itong tinatakasan pero bakit tila pilit na bumubuntot sa akin ang nakaraan ko? “Hindi ito maaari,” nanginginig kong bulong habang unti-unting nawawalan ng kulay ang aking mukha. “Kaito, sino ang magla

  • The Contract: Beginning of His Obsession    Chapter 56

    Kahit na nakainom ako, hindi pa rin ako nakatulog nang maayos kagabi dahil sa halo-halong mga isiping pilit na sumasayaw sa aking utak. Kaya naman pagpasok ko sa studio para sa isang casual meeting tungkol sa natitira ko pang mga proyekto, mabilis na napatingin sa akin ang lahat na naroon. Marahil dahil ito sa kapansin-pansing itim na bilog sa ilalim ng mga mata ko. “Natulog ka ba, Adelina?” pag-aalalang bungad sa akin ni Kaito. Umupo ako sa tabi niya, at mabilis naman akong iniabutan ng mainit na kape ni Aliza. “Hello! Adelina, nandito ako,” pagpukaw pa rin sa akin ni Kaito nang mapansing natutulala ako. Humarap ako sa kanya at sumimangot nang todo. “Hindi ako nakatulog sa dami ng iniisip ko, Kaito.” “Ay! Paniguradong hindi ka lalong makakatulog sa mga susunod na araw dahil dito sa ibabalita ko ngayon sa iyo.” Mas lalong kumunot ang kanina pa nakakunot kong noo. Humarap ako sa iba pang naroon na nakaupo sa paligid ng conference table—sina Ivan at ang kanyang manager. Dahi

  • The Contract: Beginning of His Obsession    Chapter 55

    “Nawala lang ako, may ligawan na nagaganap?!” eksaheradang sambit ni Kaito habang nanlalaki ang mga mata. Naibalik naman ako sa aking wisyo nang makita ko ang reaksyon ni Kaito. Mabilis kong muling itinulak si Carter, pero katulad kanina, hindi man lang siya natinag sa kanyang kinauupuan. “Hindi niya ako nililigawan, Kaito! Tinataboy ko nga siya.” Humalakhak si Carter sa tabi ko na para bang tuwang-tuwa talaga siya sa reaksyon ko. Halatang gustong-gusto nitong makulong ako sa mga bisig niya. “Umusog ka roon, Carter. Naiinitan ako sa iyo!” nanginginig sa gigil kong sabi. Pero agad ko ring pinagsisihan ang sinabi ko. Dahil marumi ang utak ni Carter, iba ang naging kahulugan nito sa sinabi ko. “Naiinitan ka? May VIP room naman sila dito. I can book it for your—” Tinakpan ko ang bibig nito bago pa siya matapos magsalita. “Tama na! Hindi ka na nakakatuwa!” Nagsiupo ang mga kaibigan ni Carter at hindi kami pinansin ng mga ito. Si Kaito naman ay tumabi sa akin, at gamit ang

  • The Contract: Beginning of His Obsession    Chapter 54

    Maingay, mausok, at punong-puno ng kumikislap na mga ilaw ang marangyang VIP lounge ng bar na pinuntahan namin ni Kaito. Sinasabayan ng malalakas na bass ng musika ang bawat tibok ng puso ko habang dahan-dahan kong inilalagay ang baso ng cocktail sa mesa. Ang bar na pinuntahan namin ni Kaito ay medyo eksklusibo kahit hindi naman talaga ako kilala masyado sa Pilipinas. Oo at laman ako ng halos lahat ng magazine at billboard, pero alam kong marami pa akong kakaining bigas kung gusto ko talagang makilala sa bansa. “O, ano? Nawala na ba sa isip mo ang ’ibang luhod’ na sinasabi ni Carter sa iyo?” pabirong sigaw ni Kaito sa tenga ko upang marinig ko siya sa kabila ng lakas ng tugtog. Inirapan ko siya at muling uminom nang diretsahan. “Kaito, kapag hindi ka tumigil, isasaksak ko itong basong ito sa bibig mo.” Humalakhak lang ang loko at sumenyas sa bartender para sa isa pang round ng inumin. Napailing na lang ako at pinalipas ang oras sa pamamagitan ng pagtingin sa paligid. Kaming d

  • The Contract: Beginning of His Obsession    Chapter 53

    Isang mariing sulyap na puno ng poot ang huling ipinukol ko kay Carter bago ko siya tinalikuran nang tuluyan. Rinig ko pa ang mahinang tawa niya sa aking likuran—isang tunog na nagpapataas ng balahibo ko sa inis at nag-iiwan ng malalim na kaba sa aking dibdib. Pinilit ko namang panatilihing tuwid ang aking likod at matatag ang bawat hakbang na tila ba isa talaga akong tanyag na modelo hanggang sa tuluyan ko siyang iniwan sa pasilyong iyon.“Adelina!”Nakahinga ako nang maluwag nang makita ko si Kaito na naglalakad patungo sa akin, bakas ang pag-aalala sa kanyang mukha. Lumingon siya sa pasilyong pinanggalingan ko bago muling tumingin sa akin. “Anong nangyari? Ayos ka lang ba? Anong sinabi ng lalaking iyon?”“Ayos lang ako, Kaito,” pagsisinungaling ko habang pilit na pinapakalma ang nag-uunahang tibok ng puso ko. Ipinasok ko ang aking nanginginig na mga kamay sa bulsa ng aking damit. “Sabi niya… wala siyang alam sa pagkansela ng photoshoot ko.”Kumunot ang noo ni Kaito, halatang hindi

  • The Contract: Beginning of His Obsession    Chapter 52

    “Sigurado ka ba riyan, Kaito?” mariin kong tanong, bagaman alam ko na ang isasagot niya.Tumango si Kaito, bakas ang labis na panghihinayang sa kanyang mga mata. “Oo, Adelina. Tumawag mismo ang head of marketing ng brand. Nagkaroon daw ng biglaang pagbago sa direksyon ng kumpanya kaya kinansela ang photoshoot na gagawin ninyo sana ngayon. Pero hindi ako ipinanganak kahapon para paniwalaan ’yan. Isang tao lang ang may kayang magpaatras sa kanila nang ganito kabilis.”“Carter,” bulong ko. Ang pangalan niya ay lasong dumaan sa aking mga labi. Tumango si Kaito sa akin, narinig ang sinabi ko. “Nasa labas pa ba siya?”“Hindi ko alam. Kanina pa kami tapos mag-usap, at pinipilit niya akong pirmahan ang kontrata na inaalok niya.”“Wag na wag mong pirmahan,” mariin at nangangalit kong sagot.Hindi ko na hinintay na makapagsalita pa si Kaito. Mabilis akong naglakad pabalik sa dressing room, kinuha ang mga gamit ko bago naglakad muli palabas sa gusaling pagmamay-ari ni Kaito upang harapin ang aro

  • The Contract: Beginning of His Obsession    Chapter 5:

    Inilibing namin si Mama nang tahimik ako. Sa buong burol niya ng isang linggo, walang narinig mula sa akin si Auntie Lottie. Dahil hindi ko kayang isumbat ang lahat sa kanya, gayong may kasalanan din ako. Kasalanan ko rin naman dahil kung hindi ako pumasok sa trabaho ni Auntie, baka ngayon ay kas

  • The Contract: Beginning of His Obsession    Chapter 4:

    Nang sumapit ang araw ng operasyon ni Mama, binalot ng amoy ng antiseptiko at alkohol ang aking umaga. Nakaupo ako sa matigas na silya sa labas ng operating room, habang ang pulang ilaw sa itaas ng pinto ay nagsisilbing paalala na hawak ng mga doktor ang buhay ng aking ina. Walang tigil ang paggal

  • The Contract: Beginning of His Obsession    Chapter 3:

    Sinalubong ako ng malamig na hangin ng madaling-araw pagkalabas ko sa eksklusibong bar na iyon. Mahigpit kong yakap-yakap ang aking bag, kung saan nakatago ang tsekeng nagkakahalaga ng isang milyong piso. Isang milyong piso kapalit ng aking dangal.Pakiramdam ko ay napakadumi ko, at kahit anong lig

  • The Contract: Beginning of His Obsession    Chapter 2:

    Hindi pa man ganap na nakakabawi ang aking hininga ay naramdaman ko na ang mabigat na bulto ng kanyang walang saplot na katawan sa ibabaw ko. Ang mabangong amoy ng mamahaling pabango niya na may kasamang kakaibang anghang ng alak ay tuluyang lumamon sa aking sistema. Mas lalo akong napakapit sa l

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status