Mag-log inMaingay, mausok, at punong-puno ng kumikislap na mga ilaw ang marangyang VIP lounge ng bar na pinuntahan namin ni Kaito. Sinasabayan ng malalakas na bass ng musika ang bawat tibok ng puso ko habang dahan-dahan kong inilalagay ang baso ng cocktail sa mesa. Ang bar na pinuntahan namin ni Kaito ay medyo eksklusibo kahit hindi naman talaga ako kilala masyado sa Pilipinas. Oo at laman ako ng halos lahat ng magazine at billboard, pero alam kong marami pa akong kakaining bigas kung gusto ko talagang makilala sa bansa. “O, ano? Nawala na ba sa isip mo ang ’ibang luhod’ na sinasabi ni Carter sa iyo?” pabirong sigaw ni Kaito sa tenga ko upang marinig ko siya sa kabila ng lakas ng tugtog. Inirapan ko siya at muling uminom nang diretsahan. “Kaito, kapag hindi ka tumigil, isasaksak ko itong basong ito sa bibig mo.” Humalakhak lang ang loko at sumenyas sa bartender para sa isa pang round ng inumin. Napailing na lang ako at pinalipas ang oras sa pamamagitan ng pagtingin sa paligid. Kaming d
Isang mariing sulyap na puno ng poot ang huling ipinukol ko kay Carter bago ko siya tinalikuran nang tuluyan. Rinig ko pa ang mahinang tawa niya sa aking likuran—isang tunog na nagpapataas ng balahibo ko sa inis at nag-iiwan ng malalim na kaba sa aking dibdib. Pinilit ko namang panatilihing tuwid ang aking likod at matatag ang bawat hakbang na tila ba isa talaga akong tanyag na modelo hanggang sa tuluyan ko siyang iniwan sa pasilyong iyon.“Adelina!”Nakahinga ako nang maluwag nang makita ko si Kaito na naglalakad patungo sa akin, bakas ang pag-aalala sa kanyang mukha. Lumingon siya sa pasilyong pinanggalingan ko bago muling tumingin sa akin. “Anong nangyari? Ayos ka lang ba? Anong sinabi ng lalaking iyon?”“Ayos lang ako, Kaito,” pagsisinungaling ko habang pilit na pinapakalma ang nag-uunahang tibok ng puso ko. Ipinasok ko ang aking nanginginig na mga kamay sa bulsa ng aking damit. “Sabi niya… wala siyang alam sa pagkansela ng photoshoot ko.”Kumunot ang noo ni Kaito, halatang hindi
“Sigurado ka ba riyan, Kaito?” mariin kong tanong, bagaman alam ko na ang isasagot niya.Tumango si Kaito, bakas ang labis na panghihinayang sa kanyang mga mata. “Oo, Adelina. Tumawag mismo ang head of marketing ng brand. Nagkaroon daw ng biglaang pagbago sa direksyon ng kumpanya kaya kinansela ang photoshoot na gagawin ninyo sana ngayon. Pero hindi ako ipinanganak kahapon para paniwalaan ’yan. Isang tao lang ang may kayang magpaatras sa kanila nang ganito kabilis.”“Carter,” bulong ko. Ang pangalan niya ay lasong dumaan sa aking mga labi. Tumango si Kaito sa akin, narinig ang sinabi ko. “Nasa labas pa ba siya?”“Hindi ko alam. Kanina pa kami tapos mag-usap, at pinipilit niya akong pirmahan ang kontrata na inaalok niya.”“Wag na wag mong pirmahan,” mariin at nangangalit kong sagot.Hindi ko na hinintay na makapagsalita pa si Kaito. Mabilis akong naglakad pabalik sa dressing room, kinuha ang mga gamit ko bago naglakad muli palabas sa gusaling pagmamay-ari ni Kaito upang harapin ang aro
Mabilis na tumayo si Kaito mula sa kanyang upuan, bakas ang matinding galit at pagkabahala sa kanyang mukha. Hahakbang pa lamang siya patungo sa pinto nang bigla itong bumukas nang walang pasabi.Yumuko agad sa takot ang dalawang staff na taga-ayos ng damit nang dumaan sila sa pintuan upang makalabas, habang unti-unting pumasok ang isang matangkad at pamilyar na pigura. Si Carter.Naka-amerikana ito, halatang galing pa sa trabaho. Seryoso ang mukha niya, at may hawak na folder. Agad na dumapo ang kanyang madidilim na mata sa akin, bago siya lumingon kay Kaito na ngayon ay nakaharang na sa aking harapan.“Mr. Vergara, may pribadong photoshoot ang modelo ko ngayon. Wala kang karapatang pumasok basta-basta sa dressing room na ito,” mariin at may babalang saad ni Kaito.Isang mapanganib na ngiti ang sumilay sa mga labi ni Carter bago dahan-dahang itinaas ang folder na hawak niya. “I heard you rejected my contract, Marasigan. So I brought it here personally.”Tumingin siya sa akin, nilalag
Ipinagpatuloy namin ni Kaito ang pakikihalubilo sa iba pang mga panauhin. Pilit kong itinuon ang aking pansin sa pakikipag-usap sa dalawang kilalang fashion designers upang tuluyang mapatid ang tensyon sa aking dibdib. Pero habang nakikipag-usap ako, ang sagutan namin kanina ni Carter at ang pinag-usapan namin sa labas ay paulit-ulit na naglalaro sa aking isipan. Minsan, kailangan ko pang lihim na kuritin ang kamay ko upang magising, dahil kung hindi ko gagawin iyon, malamang ay matutulala na lang ako sa kausap ko. Hindi rin nakakatulong sa akin ang mariing titig ni Carter na kanina ko pa nararamdaman—na kahit hindi ko siya balingan, alam kong siya ang tumitingin sa akin dahil sa talas ng pagkakatitig niya sa aking likuran.Kaya naman nang lumipas ang isang oras, kahit na may gusto pang makipag-usap sa amin ni Kaito, pormal na napagdesisyunan naming magpaalam sa mga ito. Dinahilan na lang namin ni Kaito na naghihintay ang kanya-kanya naming mga anak sa amin. Habang pababa kami s
Tinalikuran ko si Carter at hindi ko na ito hinintay na magsalita pa. Ramdam ko pa ang bawat tibok ng aking puso na tila ba sumasabay sa bawat yapak ko dahil sa usapan namin kanina. At eksaktong pagkalayo ko sa kinaroroonan ni Carter, nakita naman ako ni Kaito na mukhang kanina pa ako hinahanap. “Saan ka galing?” nag-aalalang tanong nito. Ilang beses pa siyang tumingin sa likod ko kung saan ako nanggaling.Sa takot na makita niya si Carter sa pinanggalingan ko, niyakap ko ang kanyang braso at pilit ko siyang isinabay sa aking paglakad.“Nagpahangin lang, Kaito,” mabilis kong sagot. “Nagpahangin? Bakit pawisan ang noo mo? Ganyan ba ang nagpahangin?” Shit! Bakit ba kasi ang daming napupuna nitong si Kaito?“Maraming tao pagpasok ko kaya pinagpawisan ako,” pagdadahilan ko na lang. Pilit kong pinakalma ang aking paghinga habang naglalakad kami ni Kaito pabalik sa loob ng nagniningning na ballroom. Ang lamig ng veranda ay agad na napalitan ng pamilyar na ingay ng tawanan, kalantog
Napahawak ako sa gilid ng lababo habang walang tigil ang pagbugso ng pait mula sa kailaliman ng aking sikmura. Parang pinipiga ang aking bituka, at ang bawat dighay ko ay nag-iiwan ng nakapapasong hapdi sa aking lalamunan.Sumasayaw ang paningin ko, at ang tunog ng malakas na ulan sa labas ay tila
Inilibing namin si Mama nang tahimik ako. Sa buong burol niya ng isang linggo, walang narinig mula sa akin si Auntie Lottie. Dahil hindi ko kayang isumbat ang lahat sa kanya, gayong may kasalanan din ako. Kasalanan ko rin naman dahil kung hindi ako pumasok sa trabaho ni Auntie, baka ngayon ay kas
Hindi pa man ganap na nakakabawi ang aking hininga ay naramdaman ko na ang mabigat na bulto ng kanyang walang saplot na katawan sa ibabaw ko. Ang mabangong amoy ng mamahaling pabango niya na may kasamang kakaibang anghang ng alak ay tuluyang lumamon sa aking sistema. Mas lalo akong napakapit sa l
Ang bawat tunog ng takong ko habang naglalakad ako sa tila walang katapusang pasilyo ay sumasabay sa marahas na kabog ng dibdib ko. Ang maikli kong damit—na halos litaw na ang buong katawan ko—ay tila sumasakal sa akin, isang matinding nagpapaalala na kailangan kong sikmurin ang gagawin ko ngayong g







