WINONA'S POV "One scoop of chocolate!" "One strawberry!" "And one cookies and cream!" Masayang itinuro ni Bea ang iba't ibang flavor habang halos hindi mapakali sa harap ng ice cream counter. Napailing na lang ako. "One flavor each only." "But Mommy..." Mahinang reklamo nito. Napangiti si Rafael. "I think... today deserves two scoops." Biglang nagningning ang mga mata ng kambal. "Yay! Thank you, Daddy CEO!" Napailing ako habang natatawa. "Sir... You're spoiling them." Bahagya siyang napangiti. "They're saying goodbye to someone important. I think they deserve it." Hindi na ako nakipagtalo. Sa totoo lang, pareho kami ng iniisip. Mami-miss din namin si Daniel. Lumipas ang sandali, tahimik na kaming nakaupo sa isang sulok ng dessert café sa loob ng airport. Abala ang kambal sa pag-uusap kung aling flavor ang uunahing kainin, samantalang ako, tahimik kong pinagmasdan ang sealed envelope na iniwan ni Daniel. Napansin iyon ni Rafael. "Aren't you going
Read more