RAFAEL'S POV Pumasok kami sa isa sa mga pinakasikat na five-star hotels sa Makati. Tahimik ang ambiance. May tumutugtog na live piano sa gitna ng restaurant. Ang malalaking crystal chandeliers ay kumikislap sa kisame, habang ang salaming dingding ay tanaw ang makukulay na ilaw ng lungsod. Isa-isang yumuko ang mga staff nang makita kami. "This way, Mr. Villarreal." Tahimik akong tumango. Pagkaupo pa lamang namin sa mesa. Agad kong napansin ang kambal. Hindi sila tumatakbo o nag iingay gaya ng nakasanayan. Tahimik silang umupo. Magkatabi, tuwid ang likod at maayos ang postura. Maingat nilang inilatag ang napkin sa kandungan bago hinawakan ang menu. Parang matagal nang sanay sa ginagawa. Napatingin ako kay Winona. "They know fine dining etiquette?" amuse na tanong ko. Bahagya siyang ngumiti ngunit bago pa siya makasagot, nauna nang nagsalita si Bea. "Mommy taught us." Tumango naman si Brix. "We always practice when we eat in a fine dining restaurant." Napataas ang
Read more