WINONA'S POVIlang araw na ang lumipas matapos bumalik ni Sir Daniel sa Singapore. Unti-unti na ring bumalik sa normal ang lahat sa Villarreal Holdings.Tapos na ang malaking isyu. Tapos na rin ang CSR project, sa susunod na taon ulit. Kaya muli na namang nabalot ng deadlines, meetings, at reports ang bawat departamento.Gaya ng dati... Abala na naman ang lahat. Kasama na ako roon ngunit sa dami ng trabaho. May isang bagay na paulit-ulit na kumukuha ng atensyon ko.Eksaktong alas-kuwatro ng hapon. May isang magandang babae na palaging pumapasok sa private elevator ng Presidente.Parehong oras. Parehong elevator. Araw-araw. Noong una. Hindi ko iyon binigyan ng kahulugan. Baka investor. Baka consultant o baka kakilala ni Rafael.Hanggang sa isang hapon, habang palabas ako ng conference room matapos ang budget presentation. Napansin kong muli siyang dumating. May dala siyang dalawang eco bags. Punong-puno ng sariwang gulay, karne, prutas, mga herbs at iba't ibang grocery items."Good af
Read more