RAFAEL'S POV Hindi ko na maalala kung kailan ako huling pumunta sa isang playground. Marahil... noong bata pa ako. Pagkatapos noon, puro conference rooms, business meetings, investors, acquisitions, at boardrooms na lang ang naging mundo ko. Kaya habang pinagmamasdan ko sina Bea at Brix na naghahabulan sa damuhan. Hindi ko maiwasang mapangiti. Napakasimple lang ng kaligayahan nila at nakakahawa. "Daddy CEO!" Masayang sigaw ni Brix. "Catch us!" Napailing ako. "Are you sure?" Tumango silang pareho. "Yes!" Bigla silang tumakbo sa magkasalungat na direksyon. Napailing na lamang ako bago sumunod. "Hey! Don't run too fast!" Halakhakan ang sumunod. Habang si Winona naman ay nakaupo pa rin sa swing, pinagmamasdan kaming tatlo. Hindi ko napansin na kanina pa pala siya nakangiti. Hanggang sa marinig ko ang mahina niyang tawa. Napalingon ako. Doon ko siya nakita. Hindi na mabigat ang ekspresyon niya. Wala na ang lungkot na kanina ko pa napapansin. Mas gusto ko siyang makita nang ga
Read more